Kasarinlan

697 6 0
                                    

Kasarinlan

Ni aeiouxz

I

Iwagayway ang bandila ng kasarinlan,

Watawat na tanda ng ating kalayaan.

Winasak ang tanikala ng pagkaalipin ng bayan,

Masayang humihimig ang lupang hinirang.

II

Paghamak sa kaniya’y isa na lang alaala,

Pagyurak sa karapata’y wala na nga kayang talaga?

Kapwa  kababaya’y itinulak sa banging walang hanggan,

Doon sa senado, sila’y nagbabangayan.

III

Kasarinla’y nasaan atin pa kayang natatamasa.

Rizal, Bonifacio kayo na ang humusga.

Pa’no kaya kung kayo’y nabubuhay pa rin sa kasalukuyang bansa,

Kayo kaya’y magagalit, kayo kaya’y matutuwa?

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon