High School Life

2.9K 27 0
                                    

High School Life

Ni supladongtorpe09

Buhay hayskul…

Bagong yugto ng buhay

Na kung sabihin nila’y pinakamasaya.

Marami ring ibibigay

Na masasayang alaala.

Sa simula’y mangingilala,

Magiging malaya’t mag-iisa.

Pero kapag tumagal na’y magugulat ka

Sa dami ng iyong katropa.

Iba’t ibang taong may iisang hilig,

Magburakbol, mangopya pati na rin ang umibig.

Kapag  nadadapa ang isa’y pipiliting itindig,

At kapit-kamay na sasabihing “Wala sa’ting makadadaig!”.

Magkasabay na kumakain sa tambayan,

Naglolokohan, nangtitrip at nagdadamayan.

Kasabay sa pagluha sa panahon ng kalungkutan

At kasama sa  ngiti ng  kaligayahan.

Tulungan ang lahat sa panliligaw ng isa,

Magpaplano’t maghahanda sa panghaharana,

Nagiging inspirasyon ang “crush”  upang marka’y tumaas pa.

At manlilibre sa canteen kapag nakaperfect sa Matematika.

Tunay na kaysayang gunitain ang lahat ng alaala,

 Mula sa pagkakaiba’y nagkaisa’t nagsama-sama.

Di man natin namalayang ang oras ay dumating na,

 Upang tayo’y magkalayo’t hanapin ang pangarap ng isa’t isa.

Magkakalayo ma’y pinipilit magkatagpo.

Binabalikan ang lugar kung saan unang nagkasundo.

 Ang mga tawanan, asaran at mga walang kuwentang bagay.

Nakadagdag sa atin ng sigla, at nagpatingkad ng kulay.

Pangako ng lahat ay masayang bibitawan,

Magkanya-kanya man ng landas ay wag magkakalimutan.

Hindi man muling magkita’y manananatiling magkaibigan,

Katropa, kasangga, kaklase’t kainuman.

Salamat sa lahat ng  ating alaala,

Sa’n ka man mapunta’y mag-iingat ka.

Naging bahagi ka ng buhay ko’t hindi na iyon mababago pa,

 Tumanda man ako’t magka-amnesia pa.

 ***

nakakamiss na ang mga kaklase ko nung hayskul. marami nang nagbago pero ang hindi magbabago'y ang aming mga alaala dahil ang lahat ng yun ay nasa puso ko. hahhaha

***

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon