BABALIK KA PA BA?

1.3K 17 2
                                    

Babalik ka pa ba?

Ni supladongtorpe09

Lagi na lang akong nakatingin

Sa mga bituin,

Pinagmamasdan ang langit,

At tinitiis ang sakit.

Bakit ba kailangan pang

Lumayo ka’t ako’y iwan.

Iniwan mong alaala,

Ngayo’y aking kabiguan.

Nasaan na ang pangako mong walang hanggan?

Nasaan na ang mga pangarap nating isinabog sa kalangitan.

Sabi mo noo’y singningning ng mga tala,

Ang mga pangarap nating ngayo’y naglahong parang bula.

Ito ba ang sinasabi mong tunay na pagmamahal?

Ang iwan akong nag-iisa’t parang hangal?

Hanggang kailan ba ako magsusumamo’t  magdarasal,

Sa iyong  pagbabalik na na hiling sa Maykapal!

Mga pigil na luhang kanina ko pa tinitiis,

Ngayo’y tila isang ilog na kung umagos ay kaybilis.

Pagdurusa, buntong hininga’t mga hinagpis,

Kailan ba matatapos, hanggang kalian ako magtitiis?

Sa iyong pag-alis ay  dala mo na rin ang aking puso.

Pa’no pa ako mabubuhay kung sa piling mo’y malayo.

Ayaw mang iusal ang salitang pagsuko,

Ay kusang lumuluhod ang tuhod kong nagdurugo.

Nasaan ka man ngayon,

At saan man naparoon,

Asahan mong hindi magbabago ang noon at ngayon.

Mahal kita, mahal kita, hindi na magbabago ‘yon.

Hindi ako magsasawang maghintay

sa’yong muling pagbabalik.

Kabilang buhay man ang ating pagitan

Ako sayo’y mananabik.

Malabo man ang pag-asang

 aking pinanghahawakan,

wag kang mag-alala

dahil iyo’y magpakaylanman.

Mahal na mahal kita,

Tandaan mo ‘yan.

Sa ‘ting muling pagkikita’y

Itutuloy natin ang pangako mong walang hanggan.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon