KUNG MINSAN...

2K 38 21
                                    

KUNG MINSAN

Ang buhay kung minsa'y sadyang mapagbiro,

Minsa'y nagdurusa't puso'y nagdurugo.

Kung minsa'y di alam kung saan tutungo,

Sa dako ba ng saya o pagkabigo?

Kung minsan ay tila kay hirap hulaan,

Kung ano'ng mangyayari sa kapalaran.

Kahit  ano'ng pagsisikap ang 'yong laan,

Di makaigpaw sa dakong kabiguan.

Kung minsan ang lunas ay ang kamatayan,

Isusuko ang lahat 'wag lang masaktan.

Nagpapakalango sa kapighatian,

at dinaramdam lahat ng kasawian.

Mga katoto ating pakaisipin,

Ang mga pagsubok ay biyaya sa atin

ng Poong Maykapal na s'yang maibigin

at inuunawa kahinaan natin.

Lahat ng salaghati'y may laang lunas.

Bumangon, kumilos, harapin ang bukas.

Isip ay ituon, problema'y lilipas,

Kung ito'y haharapi't isip ay bukas...

A/N: hehehhe cnxia na po, may pinagdadaanan lang nung sinusulat ko 'to... hehehheh  

pero okay na po ako ngayon, hehhehe

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon