Wala na

407 8 0
                                    

Nais ko siyang pigilan ngunit hindi ko magawa,
nais kong tawagin angkaniyang pangalan ngunit hindi ako makapagsalita.
nais kong sa kahuli-hulihang pagkakataon ay makita ang kaniyang mukha,
upang kahit sa  panaginip ay doon  na lang siya makita.

Sa papaliit niyang imahe ay nagbalik sa akin ang lahat,
nang una kong masulyapan ang mga mata niyang nangungusap.
ang lahat ng ngiti, mga hikbi at pagkukulang,
sa aki'y nanunumbat, nagdudulot ng alinlangan

wala na ngang talaga ang lahat sa amin,
alam kong mali ako ngunit bakit di ko maamin,
hinayaan ang oras na lumipas nang walang ginagawa,
upang bumalik ang kaniyang pagmamahal maging ang tiwala.

tuluyan nang nabasag ang aming pag-ibig,
tulad ng isang bulaklak na kahit hamog ay di nais dumilig.
at sa kaniyang paglisa'y pagsisisi ang lumupig
sa puso kong wala nang tibok pagkat wala nang umiibig.


Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon