Paglisan

971 4 1
                                    

Paglisan

 Ni supladongtorpe09

Balisa’t nag-iisa,

Naaalala ka.

Binabalikan ang alaala,

Naluluhang natatawa.

Bakit nga ba kailangang

Humantong tayo sa isang “paalam”?

Bakit ba kailangang magwakas

ang  pangako nating kailanman?

Nag-iisa.

Nalulungkot sa tuwina.

Ngayong wala ka na.

Karamay ng puso’y larawang mong kupas na.

Nais ko mang balikan

Ang ating nakaraan,

Wala na ‘kong magagawa

Sapagkat ako na’y iyong nilisan.

Salamat na lang sa lahat ng ating pinagsamahan,

Salamat sa mga ngiting walang humpay,

At mga halakhak na walang hangganan.

Pangako, san man maparoo’y hindi kita malilimutan.

Nadarama mo rin kaya

Ang aking pangungulila?

Mga piping luha sa sahig,

Ay namamasdan mo rin ba?

Masakit man sa kalooban

Ay kailangan ko nang lumisan,

Wag kang mag-alala…

Hindi naman kita malilimutan!

Paalam sa sa’yo…

Sana balang araw…

Magkikita pa rin tayo…

 ************************

mahirap bitiwan ang salitang paalam sa isang taong mahalaga sa'yo...

ayaw mo mang lumayo'y wala kang magagawa kundi gawin ito...

:'(

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon