Buhat-Bangko

105 2 0
                                    

Naranasan mo  na bang mahulog sa isang bangin?
Napakalalim  na parang bang wala nang katapusan?
Na sinusubukan  mong kumapit pero paulit-ulit na sumasabit,
Tinitiis  ang sakit na walang kasing lupit.

Yung tipong  kahit wala kang ginagawang masama
Pero sa tingin ng iba wala kang kwenta,
Nagmalasakit  ka na't lahat-lahat,  may nasasabi pa  sila.

Sila na ang tingin sa sarili'y  perpekto,
Mataas ang ihi na parang walang depekto.
Parang walang  kapintasan, nagbubuhat  ng sariling bangko,
Makitid ang utak,  ang isip nama'y  baliko.

Magkano ba ang binayad  sa'yo't  pinaghusayan  mo na ata ang pangungutya?
Ilang bato  ang nasinghot mo't  parang high  na high ka sa'yong mga linya?
Nakakaawa  ka,  Sarili MO Lang ang bilib  sa'yo!
Daig  mo pa ang droga  sa sobrang Bangis mo!

Minsan natatawa na Lang ako sa Mga Parinig MO,
Para kang isang asong  naglalaway  dun sa kanto,
Daig mo pa ang sirang plaka,  pati wasak  na mikropono,
Mabuti PA siguro sumunod ka na kay Adolfo.

Si Adolfong silaw sa papuri,  nabulag  ang puso ng kasakiman
Walang pakialam kung marami  man siyang masagasaan.
Nuknukan  ng pagkaganid,  sagad  Hanggang buto,
Ni hindi mo mahawakan,  pagkat  napakalaki  ng ulo!

O,  bakit para atang Ika'y nanahimik,
Hindi ako Sanay na para kang nauumid.
Lahat ba ng katusuhan  mo'y iyo nang naisip?
Puwes  kung gayo'y  totoo ang lahat ng 'yong  narinig.

Bukod sa sarili mo'y walang ibang tatanggap  sa'yo  kundi ang iyong kapwa.
Ituring MO sila ng tama,  ipakita sa gawa.  Huwag magmalaki,  pagpapakitang-tao'y  iwasan,
Makinig sa iba,  Hindi puro Sarili Lang. 

(may nagpagawa lang, pwede nang i-rap)

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon