Bakit?

832 3 0
                                    

Bakit?

Sinaktan na kita pero bakit ako’y mahal mo pa?

Lumayo na ako pero bakit nais mo pa ring makita?

Marit ka ba talaga o nagpapakatanga?

Umalis ako sapagkat nais kitang bigyan ng panahon.

Ayusin mo ang iyong sarili para sugatng puso’y  humilom.

Mahal mo ako pero alam mo namang wala lang sakin yun.

Lumayo ako sa pag-aakalang mahahanap ko ang tunay na kaligayahan.

Lubusang sasaya at wala nang masasaktan.

Akala ko’y magkakagayon ngunit nangyari’y kabaligtaran.

Iba na ang mahal niya, isa rin palang paasa.

Ngayo’y napagtatanto ko nang

Ganti lang ito ng karma.

Iisa na ngayon an gating nararamdaman

Pareho na tayong pinaasa’t pinaglaruan,

Sinaktan, iniwan at tinalikuran.

Tunay nang sa pag-ibig ay may mananakit at masasaktan.

Pero bakit  pareho ang aking kinahinatnan.

At ngayon… iisa lang ang nasa aking isipan…

ITATAMA KO NA ANG AKING NAGING KAMALIAN.

                            -mula sa "PAASA" (poetry-story)

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon