PAGBUBULAG-BULAGAN

1.7K 32 16
                                    

PAGBUBULAG-BULAGAN



KUng mayroong isang bagay akong inaasam,

iyon ay ang iyong kaligayahan.

ayos lang na maging manhid paminsan-minsan,

wag ka lang mawala sa akin ng tuluyan.




lahat ay aking gagawin,

pikit mata kong tatanggapin,

ganyan ka kahalaga sa akin,

sana, ako sa 'yo'y ganun din!




mahal kita, pero mahal mo siya.

ano pa nga bang magagawa ko kundi ang palayain ka.

hindi ko na makakayang magpakatanga,

alam kong masakit, pero kakayanin ko na!




alam kong mahirap,

alam kong kay saklap!

bakit nga ba nagmamahal pa tayo,

kung masasaktan din lang?




noon, akala ko ang makilala ka'y ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko,

noon, akala ko pag nakasama na kita'y kuntento na ako.

pero bakit sa mga oras na kapiling kita,

wala kang ibang bukambibig kundi ang pangalan niya?




Pinili kong magbulag-bulagan,

kinaya ko kahit ako'y nasasaktan.

ganyan talaga kita kamahal,

na kaya kong tiisin ang lahat, makasama ka lamang.




habang buhay na lang ba akong magtitiis?

mamamasdan ko pa ba ang mga ngiti mong kaytamis?

pagmamahal mo ba'y hindi ko na maililihis?

o malulunod na lang ako sa pagdurusa't hapis?

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon