Sayang

1.2K 11 0
                                    

Sayang

Ni supladongtorpe09

Kani-kanina lang,

Nariyan ka’t kasama pa.

Bakit ngayo’y wala ka na’t

Iniwan akong nag-iisa?

Kani-kanina lang,

Nahahaplos ko pa ang iyong mukha,

Pero bakit ngayo’y sa alaala na lang

 kita makakasama?

Kani-kanina lang,

Nakakausap pa kita.

Pero bakit ngayo’y sa panaginip  na lang

Nasasabi kong “Mahal kita!”

Marami akong sinayang na pagkakataon.

Akala ko kasi’y maibabalik pa ang noon.

Ngayo’y hindi ko na maibabalik pa ang ating kahapon,

Pagkat ang mas mahalaga ay ang mapaibig kitang muli ngayon.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon