'Wag Ka lang Lilisan

607 6 0
                                    

‘Wag Ka lang Lumisan

By aeiouxz

I

Handa akong magtiis at magpanggap na hindi nasasaktan,

Kaya kong tiisin ang luha at ngumiti na lang.

Kaya kong manatiling nakatayo kahit hindi na kayang gumapang.

Lahat ng iyan ay magagawa ko huwag ka lang lumisan.

II

Kung ika’y lalayo ay paano na ako?

Sino na ang magpapakilig at magpapatibok ng aking puso?

Ikaw ang dahilan kung bakit ako nakatayo,

Kung ika’y mawawala,  tuluyan na akong susuko.

III

Huwag ka nang lumisan, huwag mo akong iiwan.

Ang lahat sa buhay ko’y ikaw ang dahilan.

Kung di ka na makikita’y paano pa muling ngingiti?

Marahil ag mundo ko’y mababalot ng hikbi.

IV

Mahal na mahal kita, ang lumayo ka’y hindi ko kaya.

Kung anuman ang pagkukulang ko’y patawarin mo na sana.

Giliw ko, sa paggising  ko sana ika’y kapiling pa,

Ang Makita ka a piling niya’y hindi ko makakaya.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon