Hanggang Wakas

384 6 0
                                    

Hanggang Wakas

by aeiouxz

Ang bawat simula ay mayroong wakas,

Sa bawat pagkagapi ay tiyak na may tatakas.

Sa bawat pagliyab ng apoy na nagniningas,

Ay may isang larawang mawawala’t kukupas.

Sa bawat pagpatak ng luha sa mata.

Ay may isang pusok tiyak na nangungulila.

Nakatali sa pighati, ni hindi maikubli

Ang damdaming uhaw sa pagsuyo’t sawi.

Ang iyong mukha ay langit kung tag-ulan,

Mapanglaw, malungkot, may bahid ng kasawian.

Ramdam ko rin ang iyong lungkot, hindi mo lang alam,

Pero heto ako ngayo’t sa iyo’y namamaalam.

Mawawala man ako’y huwag mong iisipin,

Na kita’y nilimot at hindi na mamahalin.

Dahil  ni minsan, ni hindi ka nawala sa aking isip,

At sa huli kong salita’y pangalan mo ang babanggitin.

Mahal na mahal kita tandaan mo iyon,

Itatak mo ito sa iyong isip sa habang panahon.

At sa langit mahal ko, doo’y muling magtatagpo,

At ipagpapatuloy ang pagmamahalang nahinto.

10-14-14

**

Kung hindi ngayon ang tamang panahon para sa ating dalawa, doon sa kabilang buhay, ipagpapatuloy natin ang pagmamahalan natin.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon