Bitaw

193 3 0
                                    


Bitaw

Ilang beses ko nang pinaramdam
Hangga't maaari'y pinagpilitan.
Pero totoo palang ang lahat ay may hangganan.
Kahit di man ninanais ay nararapat nang bitawan.

Ang pagmamahal ko'y tila kandilang nauupos,
Aandap-andap.
Napapagod.
Nauubos.

Ganun ba kadali ang kalimutan ang lahat?
Gayong ibinigay na at isinagad, hindi pa rin pala sapat!
Tiniis kong mga luha'y dumadaloy saking mga ugat,
Nalulunod sa sakit, puno na ng sugat.

Bitaw.
Ayaw.
Ayaw bumitaw.
Pwede pa.
Sige pa.
Ayoko na.
Tama na.

Pero paano?
Natalo.
Nahulog.
Pero hindi mo sinalo.

Nawasak.
Puso'y umiiyak.
Dahil sa iyong pagbitaw.
Dahil sa iyong pag-ayaw.

Ako na lang siguro ang kumakapit.
Samantalang ikaw, hindi makalapit.
Magkalapit man pero napakalayo mo.
Kaya't hahayaan na lang maanod ng alon.
Patungo sa kung saan.
Sa kawalan.
Sa kalawakan ng panghihinayang.

Paalam?
Siguro nga.
Pero teka.
Kaya ko ba?
Magagawa ko ba?

Siguro nga.
Ewan.
Bahala na.
Paalam na!

Bitaw na!

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon