Pagpaparaya

1K 7 0
                                    

Pagpaparaya

By aeiouxz

I

Naninikip ang dibdib na puno ng sakit.

Kumikirot ang mata, mga luha’y kumakapit.

Bawat patak ng luhang gumigiti sa aking mukha,

Ay isang libong pasakit sa pusong nangungulila.

II

Nauupos na kandila ang pag-asang nagwasak sa aking pagkatao,

Nakapikit na inusal ang salitang “Wala na tayo”.

Gayunpama’y patuloy akong aasa,

Hinahangad na sana bukas, ika’y kapiling ko na.

Malabo man ang pagsikat ng tala sa umaga,

Pagbabalik mo’y itatanim sa puso kong tumitibok ma’y patay na!

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon