Dahil sa'yo

702 7 0
                                    

Dahil Sa'yo

by aeiouxz

Sa tuwing ika’y pinagmamasdan mula sa malayo.

May kung ano’ng panghihinayang ang bumabalot sa puso.

Nais kong lumapit, nais kong magpapansin sa iyo,

Ngunit ako’y nababahala, natatakot na iwasan mo.

Araw-araw, pinapasaya mo ako.

Nakakatanga nga kasi ako lang ang nakakaalam na ika’y mahal ko.

Kung may lakas lang sana ako ng loob na sabihin sa iyo,

Marahil noon pa man, mahal mo na rin ako.

Alam mo ba, sa gabi bago ako pumikit,

Ang iyong maamong mukha sa isip ko’y nangungulit.

Hindi ko maipaliwanag inuunawa ko ng pilit,

Hanggang sa inumaga na ako sa kakaisip.

Mahal na nga ata kita, sana alam mo ito.

Dibdib ko’y naninikip sa tuwing siya’y kasama mo.

Maporma, gwapo, bagay na bagay kayo,

O kay laking panghihinayang, bakit napakamalas ko?

Sana, mabigyan ako ng pagkakataong ipadama sa iyo ang aking nadarama.

Sana, mapansin mo rin ako, hindi yung laging siya.

Sana, ako na lang siya na lagi mong kasama.

Sana, matapos na ang aking pag-iisa.

Dahil sa’yo, natuto akong mangarap.

Dahil sa iyo, para akong lumulutang sa ulap.

Pero sa isang iglap, ang lahat ay naglalaho na parang bula.

Sinasampal ako ng realidad na imposible kitang makuha.

Sa bawat oras na nakikita kong masaya ka sa kanya.

Para akong pinapatay ng sarili kong konsensiya.

Pinahihirapan ko ang sarili ko sa isang bagay na ako ang talo,

Ikinukulong ko ang sarili ko sa pag-ibig sa iyo.

Hayaan mo, nandito pa rin ako.

Mamahalin kita sa ayaw mo at sa gusto.

Kung dumating man ang panahon na ika’y kaniyang ginago,

Puwes, humanda siya sa aking kamao!

9-13-14

***dahil sa'yo, natuto akong magmahal nang labis. Mahal na mahal kita.. kahit mahal mo ay iba.. :'(

Mga Tula ng Isang ManhidWo Geschichten leben. Entdecke jetzt