Hindi Alam

140 4 0
                                    


Di ko alam kung saan magsisimula.
Maaari bang takasan na lang ang malupit na tadhana?
Patuloy sa pag-ikot, ang puso'y nalula,
Sa pagpikit ng mata'y bigla ka na lang nawala.

Babalik na lang sa nakaraan,
Sa simula, sana'y aking pinigilan
Ang nararamdaman, patungo ba saan?
Sa kaliwa o sa kanan, pareho lang masasaktan.

Hindi pa rin alam kung saan magtatapos,
Sa ating kwento, ako'y naghihikahos.
Ayaw mang sabihin, kailangan nang matapos,
Bakit nga ba ang pag-ibig nati'y nawala na't naubos?

Mga Tula ng Isang ManhidWhere stories live. Discover now