SA ISANG SULYAP MO

2.3K 38 8
                                    

SA ISANG SULYAP MO

Simula't sapul nang ikaw ay makita,

Tila ba ang puso ko'y laging may kaba.

Sa aking isip ay hindi ko maamin,

Na ang pag-ibig mo ay nais maangkin.

Paano kaya kung ito'y malaman mo,

Lihim na pagtinging para lamang sa 'yo.

Nanaisin mo ba na ako'y pagbigyan?

O bigong aasa sa iyong kariktan.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon