IKAW at AKO

2.1K 12 1
                                    

IKAW at AKO

Ni supladongtorpe09

Sa unang pagtama pa lang

ng  ating mga mata,

Nasabi ko nang ikaw na

ang nais na makasama.

Napapasaya mo ako

sa mga simple mong ngiti.

Napaibig mo ako

Ng mapupula mong labi.

Lumipas ang mga araw

Ay nasabi kong mahal na nga kita.

Puso'y hinding-hindi aayaw,

Mahalin mo ma'y iba.

Gaano man kahirap

Ang ika'y mapasagot,

Luha ma'y pumatak

At ako'y mamaluktot.

Hindi ako magdadalawang isip

Dumanas man ng sakit.

Abot langit ang kaligayahan

nang  sabihin mong mahal mo rin ako.

Wala na akong iba pang kailangan

kundi ang puso mo.

Ang bawat araw na kasama kita

Ay nakapinta sa ating mga alaala.

Ikaw at ako, tayo lang dalawa,

Mangangakong  walang iwanan mundo ma'y gumuho na.

Ikaw at ako,

Ang hari't reyna ng ating kuwento.

Ikaw ang aking prinsesa

Sa palasyo kung sa'n tayo nakatira.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon