HUWAD

802 5 3
                                    

Huwad

ni supladongtorpe09

Binulag ako ng mga ngiti mong akala ko’y totoo,

Pinaniwala mo ako sa mga titig mong nakapapanindig balahibo.

Ikaw ba’y isang buwaya o mabangis na kamelyo?

Kaipala’y  bangungot kapag nakapikit ang mata ko.

Sa pinagkatagal-tagal ng ating pag-uusap,

Para na akong nahuhulog sa banging walang hangganan.

Nakatatakot, nakakailang…

Nais ko nang kumawala’t sumigaw kung kailangan.

Ngayo’y wala nang nalasap kundi ang damhin ang lamig ng hangin,

Nag-iisang tinutungga ang sarong may lason ng iyong salitang magaling.

Pinupulot ang nangagkalat na baryang isinabog mo,

Sinasapo ang tiyan na wala nang laman ng isang linggo!

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon