Wala na

485 9 0
                                    

Wala na 

by aeiouxz

Malaya na ako.

Sa sakit ng pusong sa aki'y tumalo.

Magagawa ko na ang lahat ng naisin ko,

wala nang magagalit o kaya'y magtatampo.

Wala na sa'king sisigaw,

wala nang mangangantiyaw.

Wala nang mangungurot

sa aking likod.

Wala nang magpapatimpla ng kape 

tuwing umaga,

wala nang manggigising sa gabi

para sa banyo'y magpasama.

Wala na... wala nang magpapasikip ng aking puso

wala nang mangungulit at manunukso.

wala nang manggugulo, wala nang manunudyo,

wala nang mang-iinis at sa aki'y susuyo.

Wala na siya.. wala na talaga,

Masaya na siya sa iba samantalang ako'y nag-iisa.

Masaya? Ewan... siguro pinipilit ko lang,

bagamat may mga oras na naiisip ko ang aking pagukulang.

Wala na siya... ang babaeng dahilan kung bakit ako nabubuhay,

wala na sa akin ang lahat, ang buhay ko'y wala nang saysay.

ginawa ko ang lahat para mapasaya siya,

ngunit bakit sa huli'y naiwan akong tanga?

wala na talaga... 

umiyak man ako ng bato'y wala nang mangyayari pa.

Wala na... wala na akong pag-asa,

ang lahat ng sa amin ay isa na lang alaala.

Kakayanin ko...

Ipagpapatuloy ko ang buhay ko...

Kahit masakit,

titiisin ko...

120114

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon