Maghihintay Sa'yo

540 5 0
                                    

Maghihintay Sa’yo

by aeiouxz

Darating din ang araw

Na mamahalin mo rin ako.

Hindi ako magsasawang maghintay

Pagkat ika’y mahal ko.

Hayaan mo lang na mahalin kita

Masaya na ako doon.

Alam kong balang araw,

Pangalan ko naman ang iyong isisigaw.

Hindi naman sa nagmamadali ako.

Kundi dahil sa nais ko lang ipabatid sa iyo.

Pangako, nandito lang ako

Maghihintay at magmamahal sa’yo.

Puso’y di mapigil sa pananabik

Na ika’y mayakap.

Mahagkan ka kahit sandali

At sa gabi’y mahimbing sa’yong tabi.

Hindi mo lang alam sa tuwina’y naiisip ka.

Naglalakbay ang isip sa hinaharap kung saan kasama ka,

Magkahawak kamay ang mga kamay,

Naglalakad ng magkaakbay.

Kinikilig sa t’wing tayo’y magkausap.

Nais ko nang tumili at sumigaw.

Kung maaari lang sanang ika’y mayakap,

Mahalikan at matitigan ang mata mong kumikislap.

Masaya ako na dumating ka sa buhay ko.

Hindi ako nagsisisi na ikaw ang minahal ko.

Nandito lang ako… naghihintay sa’yo,

Nakangiting mag-aabang sa matamis mong oo!

10-21-14

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon