Hayaan Mong Mahalin Kita

1.1K 9 0
                                    

Hayaan Mong Mahalin Kita
ni supladongtorpe09

Wala naman talaga akong balak na mahulog sa'yo.
Ang sa akin lang naman kung wala kang balak na saluhin ako,
hindi mo na sana ako binigyan ng motibo para mahalin ang tulad mo.

Hindi naman sa sinisisi kita kung bakit nasasaktan ako.
Inilalabas ko lang ang nararamdaman ng puso ko.
Ikaw eh... kung hindi ka naging "sweet" sakin hindi sana ako nagkakaganito.

Kasalanan ko rin naman yun wag kang mag-alala.
Kung hindi mo ako kayang mahalin nauunawaan kita.
Pero sana kapag magpapaalam ka na,wag na wag ka nang magpapakita.

Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko.
Alam ko kasing pagkatapos nun lahat na'y magbabago.
at bahagi nun ay a
pagtanggap ko sa katotohanang mahal mo'y di ako.

Sana nararamdaman mo rin ang kirot na  tinitiis ko.
Ang mga pigil na luha at paghikbi sa aking kuwarto.
Pero hindi na... Napakaimposible sapagkat wala ako sa mundo mo.

Masaya ka na ba sa ginawa mong palabas?
Natatawa ka ba sa tuwing luha ko'y aking pinupunas?
Puwes bahala ka nang balasubas ka, magsama kayo ni HUDAS!

Tandaan mo 'to... balang araw mamahalin mo rin ako.
Magmaakaawa ka't luluhod para lang sa pagmamahal ko.
Balang araw yun... maghintay ka lang at makikita mo!

Kapag nangyari yun saka ko naman ipadarama ang sakit na ibinigay mo sa akin.
Hinding-hindi ka na makakaulit
ikaw naman ang aking paluluhain!

Ikaw naman ang aking pagtatawanan.
Tatalikuran at iiwang luhaan.
Kahit pa sa puso ko'y mayroong pag-aalinlangan.
Hinding-hindi ako maaawa sa tulad mong salawahan.

>>> mula sa PAASA.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon