Kabalintunaan

841 4 0
                                    

Kabalintunaan

ni supladongtorpe09

Sikil na damdamin,

mga luha't buntonghininga.

Nakatitig sa basag na salamin

at pinipigilan ang pagwawala.

Nais ko nang wakasan ang buhay ko,

Lumaya't lumayo, maglaho sa mundo.

Mag-isang maglakbay, sa kawalan ang hantungan,

Kumapit sa patalim at makipaglaro kay Kamatayan.

Lahat ng bagay na nakikita ko'y batbat ng pagkukunwari,

Nagbabalatkayo't nabibihisan ng mali.

Umaalingawngaw na panambitang ginagapos ng hapdi,

Niyayapos, nilalagom ng mga piping hikbi.

Ngayo'y mag-isang naglalayag sa dagat ng kasinungalingan,

Binabagtas ang maling daan ng huwad na kasalukuyan,

Dinadama ang hangin na kumikitil sa katauhan,

at isinusumpa ang mundong mapagpanggap at mapanlinlang.

............................

kabalintunaan-kabaligtaran

paano kung ang lahat ng nakikita mo'y may bahid ng pagkukunwari?

magiging masaya ka pa ba?

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon