Hindi

366 7 0
                                    

Ilang ulit ko bang kailangang patunayan

Na ikaw lang ang siyang mahal,

Ilang hirap pa ang dapat na pagdaanan

Para malaman mong ikaw lang ang kailangan,

Ng pusong nalilito,

Nagmamahal ng lubos sa’yo,

Paulit-ulit na isisigaw ang kagandaha’t pangalan mo.

Ngumingiti sa bawat oras na ika’y naaalala,

sa bawat oras sinta ko’y

 Ikaw lang ang nais makita.

Sa panaginip ikaw ang laging kasama

Ikaw lang ang aking pangarap, ang tangi kong pantasya.

Halina sa paraiso na sa’yo lamang iaaalay,

Ikaw ang  reyna, sa’yo lang iikot aking buhay.

Wag kang mag-alala, hinding-hindi ka mawawalay,

Pagkat ikaw  ang aking mundo, at iibigin ka ng tunay.

Matapos man itong awiting nilikha ko pa kahapon,

Wag kang mag-alala, pag-ibig nati'y hinding-hindi na matatapon,

Ikaw ang aking simula, ang aking wakas at ang ngayon,

Hinding-hindi ka malilimot lumipas man ang panahon.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon