Puso at Mata

599 8 0
                                    

Puso at mata

by aeiouxz



Puso at Mata,

Kapag ipininid ay di makikita.

Ang totoo sa hindi, ang tama sa mali,

Kung anong matuwid at nagkukunwari.



Ang puso at mata kapag magkaugnay,

Tiyak na liligaya, makahulugan ang buhay.

Ang pusong kumikirot, sa mata makikita,

kapag lumuha ang mata, puso ri'y magdurusa.



Kapag puso'y umiibig, lumiliwanag ang mata,

Masaya, marikit, hanggang langit ang sigla.

Kapag mata'y nabulag, puso'y magdaramdam,

Mababalot ng takot, masasadlak sa kadiliman.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon