Para Sa'yo

2.7K 55 14
                                    

Para sa'yo

ni supladongtorpe09

Pag-ibig ko sa 'yo'y hindi magbabago,

Mutyang paralumang mahal ng puso ko.

Asahan mong tapat sa aking pagsuyo,

Di magmamaliw magunaw man ang mundo.

Noon pa ma'y mahal na kita, alam mo 'yan,

at ako'y nalulunod sa 'yong kariktan.

Handang ialay sa 'yo buhat ko't dangal,

Ipinapangakong di paglalaruan.

Ang malalim na dagat handang sisirin,

Ang talang marikit aking susungkitin,

Mataas na bundok, aking aakyatin,

Maging ang patay ay aking bubuhayin.

at kapag ramdam mong hindi mo na kaya,

'wag kang mag-alala dahil sagot kita!

Patatawanin kita pag di ka masaya,

Magiging payong mo kapag may problema.

Ang muting tulang ito ay para sa 'yo,

Nilikha ng pusong nagmamahal sa 'yo,

Mula sa utak, isinulat ng kamay ko, 

Para lang isiwalat ang aking pagsuyo...

:)

A/N: Tnx for reading... no words can express how happy i am... hehheheh

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon