One Last Song - II

815 7 0
                                    

N/p: Tuliro by Spongecola

Tunay ngang labis kang nasaktan ng iyong nakaraan.

Umaasa sa pagmamahal niyang isa palang salawahan.

Lagi kang umiiyak, bakas sa mukha ang dinaramdam,

Ibaon siya sa limot, ika'y nahihirapan.

Remi, bakit hindi mo subukang lumingon sa iyong likuran,

Oras na gawin mo iyon, pag-ibig ko'y masusumpungan.

***

Mahirap nga bang ipagpilitan ang sarili sa isang taong nakakakapit pa rin sa kaniyang nakaraan?

Ano ang gagawin mo para pawiin ang kaniyang mga luhang nasasayang?

 ***

N/p: Pusong Lito by Myrus

Paa'y hindi ko maigalaw nang muli ko siyang makita,

Umaaawit nang masaya ng paborito naming kanta.

Sintunado ma'y batid kong masayang-masaya s'ya,

Oman, mahal ko, sa akin ba'y babalik ka pa?

Ngunit kahit kaila'y traidor talaga ang aking luha,

Gumigiti na naman sa aking pisngi hanggang sa pumatak sa lupa.

Lahat ng sakit na sa puso ko'y naihimbing,

Ibinalik ako sa sa kahapong masaya ako sa'yong piling.

Tunay nga kayang hindi mo na ako mahal,

O sinusubukan mo lang kung hanggang kailan ako tatagal?

***

Ang makita siyang masaya at parang wala ka lang sa kaniya ang pinakamasakit na bahagi ng pagmu-move on. Nalilito ka at hindi malaman ang gagawin. Umaasa na sa pagtalikod at pagtakbo mo palayo ay hahabulin ka niya, at sasabihin niya sa 'yong mga mata na ikaw pa rin ang mahal niya.

Pero hindi ka na nanunuod ng teleserye o nagbabasa ng kuwento sa wattpad, nasa realidad ka na. Masakit man, pero kailangan mong magsimulang muli at hanapin ang iyong sarili. Okay lang ang lumuha. Pero huwag naman yung habangbuhay o buong buhay mo ay gagawin mong miserable para sa kaniya. MOVE ON!

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon