Pagtitiis ng mga Guro

1.2K 5 0
                                    

Pagtitiis ng mga Guro

Nalilito’t tumatakbo, humihingi ng saklolo.

Nanginginig ang kamao’t  kumikirot na ang ulo.

Kumakalam ang skmura’t hindi alam kung paano,

Titiisin ang sakit na dulot ng pagkatlo.

Kabi-kanilang sigaw ng dugong naghihimagsik.

Humahalik sa’yong pawis, napaparam tumatalsik.

Karosa ng katarungang kaybagal kung pumanhik.

Lambong sa iyong pag-asa’t dagdag sa dusa’t pasakit.

Ang iyong puting bandera’y pilit mong ibinababa.

Matikas ang iyong tindig, palaging nakatingala.

Tinatanaw mo ang ulap, pinagmamasdan ang tala.

Ikaw ay naninikluhod, humihiling kay Bathala.

Bayani ka kunt ituring nitong nakararami.

Malinis ang ‘yong  hangarin, serbisyo mo’y binibili.

Nagtitiis sa’yong sahod kahit ito’y kakaunti.

Isinasantabi ang kaligayahan para sa gintong ani.

Doon sa ibang bayan ating masusumpungan,

Mga dakilang guro na sana sa ati'y naghahasik ng karunungan.

Masisisi ba natin ang ganitong kalakaran?

Kung sa sarili nating bansa'y hindi maibigay ang kaniyang kailangan?

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon