Salamat na Lang

835 6 8
                                    

Salamat na lang

by aeiouxz

Hindi ibig sabihin na iniiwasan kita ay hindi ka na mahalaga,...

Mahirap lang talagang ipagpilitan ang sarili ko sa isang taong masaya na sa iba.

Kaya’t isasantabi ko na lang ang aking nadarama,

Upang hindi na lumuha’t mangulila sa aking pag-iisa.

Alam kong nariyan ka ngunit bakit parang ang layo mo pa rin?

Ngunit papaano mo nga ba ako mapapansin kung sa kanya ka lagi nakatingin.

Mapapagod lang sa kakasilip sa maaamo mong mukha,

Kung kaya’t aalis na lang kasama ang aking mga luha.

Pag-ibig ko sa’yong hindi mo nasuklian,

Ibabaon na lang sa alaala’t aking kalilimutan.

Kung sa kanya ka masaya’y ipagdarasal ko na lamang,

Na sana’y magtagal pa ang inyong pagmamahalan.

Salamat sa munting inspirasyon na ibinigay mo sa akin.

Salamat sa mga sandaling ipinadama mo kung gaano kasarap ang mahalin.

Bagamat hindi ako ang pinili mo’y wala akong hinanakit,

Ang katotohanang wala ka na’y tatanggapin kong pilit.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon