LUHA

1.5K 17 0
                                    

LUHA

ni supladongtorpe09

Sa bawat patak ng luha

Ay may isang libong salitang

Kinikimkim ng pusong balisa,

At hindi mailabas ng bibig na makata.

Ang isang tao kapag malungkot,

Tingnan mo lang sa mga mata.

Hindi man niya ilabas ang sakit at kirot,

Mararamdaman mo na ito sa mga luha niya.

Tayo’y tao lamang, nadadapa’t nasasaktan.

Nakadaranas ng sakit at nalulugmok sa kabiguan.

Ngunit kaibigan huwag mong kalilimutan.

Tayo’y lumuluha pagkat tayo’y  tao lamang.

Huwag kang mahiya, sige umiyak ka lang.

Alam kong ika’y nahihirapan, ikaw ri’y nasasaktan.

Huwag mong itago mga sakit na nararamdaman.

Pagkat lalo ka lang masasakta’t mahihirapan.

Sa pagdaloy ng iyong mga luha,

Maaanod ang mga pasakit na iyong dinadala.

Huwag ka rin mangangamba’t mag-aalala.

Pagkat nandito lang ako kapag hindi mo na kaya.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon