Param

7.5K 138 67
                                    

Param

 I

Bakit nga ba kung sino pa ang taong minahal mo ng sobra,

Ay siya pang nagiging dahilan upang mabigo’t masaktan ka.

Na sa kabila ng  ‘yong mga sakripisyong ipinakita,

Ni hindi niya maramdaman pagkat nakapikit ang mata n’ya.

 II

Mahirap magmahal sa taong kaylanma’y hindi ka minahal.

Para ka lang namamangka sa tuyong ilog ng katangahan.

Hindi ka na nga umuusad, ikaw pa’y pinagtatawanan,

Ng mga taong mapanlibak at hindi ka maunawaan.

 III

Hindi mo siya mapipilit na sabihin niyang “Mahal kita!”,

Lalo na’t kung hindi ito ang nararamdaman ng puso n’ya.

Mas mabuti pang malaman mo na hindi ka n’ya sinisinta,

Kaysa malaman mo sa iba, na siya’y sakal na sakal na.

 IV

Madali lang s’yang kalimutan kung tuturuan mo ang puso.

Iwaglit mo s’ya sa ‘yong isip kahit ang puso’y nagdurugo.

Simutin mo man ang ‘yong luha’y di mo pa rin maililiko,

Ang kaniyang pagtingin para lamang sa’yong mga pangako.

 V

Oo, mahal mo siya pero ang tanong, mahal ka ba niya?

Oo’t sinabi n’yang mahal ka nya pero sigurado ka ba?

Minsan kasi, hindi mo ramdam na nagpapakatanga ka na,

Kapag ang iyong puso’y manhid, naparam, at naging bato na.

 VI

Ganito nga yata pag mahal mo ang taong hindi ka mahal.

Gagawin mo ang lahat kahit pa magdusa ka at masaktan.

Makakayang magpakatanga kahit a ng puso’y sugatan,

Madulutan lamang ng ngiti ang katulad niyang salawahan

 

***

lalabingwaluhing pantig po ito. :)

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon