TALANG MARIKIT

2.8K 73 20
                                    

Talang Marikit


Talang marikit sa madilim na langit,

Kumikislap, kumikindat nang kay lupit.

Iyo sanang mapansin ang pusong sabik,

nang di na mag-isa't hindi na maipit,

sa pag-iisang sumisikl sa dibdib.

Talang marikit, kung maaari sana'y

Sa madilim na landas, magsilbing gabay.

Iyo sanang mabatid dusa ko't lumbay

Nang di na magtiis sa'king paghihintay

Sa muling pagliwanag nitong aking buhay.

Ngunit ano nga ba'ng aking magagawa?

Kaparis mo'y langit, ako nama'y lupa,

'Ka'y tinitingala, ako'y dinudusta,

ng mundo na kay lupit, ni walang awa,

sa taong tulad kong kaparis ay wala.

Ngunit gayunpama'y hindi magsasawa,

Sa iyong pagkislap ako'y mahihiraya.

Kahit datnan man ng daluhong at sigwa,

Mananatiling tapat na tagahanga,

Sa pinapangarap ko't mahal na mutya...

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon