Lihim

952 8 0
                                    

Lihim

ni supladongtorpe09

Minahal kita ng lubos

kahit di mo 'ko kilala,

Ngayo'y hindi ko matalos

kung pa'no ipadarama.

Mahal kita, mahal kita,

hanggang salita na lng ba?

Ang pag-ibig ko sa iyo'y

isa na lang bang pantasya?

T'wing magkukrus ating landas

di ko maipaliwanag.

Ang aking puso at isip

ay tila nababagabag.

Kung may lakas lang sana ng loob

na maipahayag,

hindi na pipigilan pa

ang sigaw ng pusong duwag.

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon