Lunggati

886 6 1
                                    

Lunggati

Ni supladongtorpe09

Damdaming nag-uumapaw sa tapat na pagsuyo,

Pusong nalilito’t uhaw sa’yo, aking pintuho.

Sa iyong paglingap, iduyan mo ang aking mundo.

Iwanan natin ang daigdig at manahan sa lugar na may ikaw lang at ako.

Mahal na mahal kita, akin itong patutunayan.

Mamahalin kita sa lahat ng paraan.

Ipararamdam sa’yong ikaw lang ang kailangan.

Pagkat ikaw ang bumuo sa kuwento ng  ating pagmamahalan.

Ramdam mo rin ba ang mabilis na pagtibok ng aking puso?

Sa tuwing magtatama ang mga mata’y tila hindi na makakibo.

Sa iyong mga titig para na akong maglalaho.

Animo’y mailap  na bubuyog sa hardin mong nakahihiruyo.

Kung ikaw ang buwan sa gabing madilim,

Hindi ko na nanaisin pang ang bukas ay dumating.

Sapagkat ayaw ko nang mawalay pa sa iyong piling,

At tuluyang mag-isa sa pagliwanag at pangungulimlim.

Hindi ko na kailangan ang yaman at salapi.

Sa iyo sinta ko’y wala na ‘kong mahihingi.

Ikaw ang isinisigaw ng puso kong sawi,

At tubig sa ilog ng aking lunggati!

Mga Tula ng Isang ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon