Baka-sakali

1K 9 3
                                    

Baka-sakali

ni aeiouxz


Mahal kita, mahal mo siya,

Pero iba ang mahal niya.

Pwede ba tayo na lang dalawa?

Aasa ka lang naman sa kanya di ba?

At sa huli masasaktan ka pa.

Kaya ... Tayo na lang ha?


Handa akong pawiin ang iyong mga luha kapag naiiyak ka na.

Gagamutin   ang iyong mga sugat kapag nadapa ka sa kahahabol sa kanya.

Ang iyong tagahatid kapag ginagabi ka na,

At tagalibre sa canteen kapag wala kang pera.


Ganyan kita kamahal.

Gagawin ang lahat kahit alam kong hindi ka magtatagal.

Pero sapat na ang maipadama kong mahal kita.

Kahit alam kong sa huli, hindi ako ang pipiliin mo kundi siya.


Nagbabaka-sakali lang naman ako.

Baka kasi may pag-asa pang mahalin mo ang tulad ko.

Nagbabaka-sakali lang sana'y pagbigyan mo,

Pangako, hindi ko sasayangin ang pag-ibig mo.


Pero kung sakali man at hindi talaga pwede.

Kakayanin ko ang lahat kahit alam kong imposible.



Nagbabaka-sakali lang, wala namang masama di ba?

1-25-14

(12 minutes ko lang itong ginawa) hehheh adik na sa tula eh.. hahhah


Mga Tula ng Isang ManhidDonde viven las historias. Descúbrelo ahora