Hanggang sa muli, KAIBIGAN!

1.2K 14 0
                                    

Hanggang sa muli, KAIBIGAN!

Ni supladongtorpe09

Masayang malungkot ang sa kaibiga'y malayo,

Pagkat tanging sa alaala na lang kayo magtatagpo.

Madaling mahirap pagka't luha'y di maitago,

Sabihin ko mang wala lang sakin, ngunit ang totoo'y malapit nang sumuko.

Dumating ka sa buhay ko nang di ko inaasahan,

 Ngunit umalis ka rin nang hindi ko napaghandaan.

 Bagamat sandali lang na kita'y nasumpungan,

Naging bahagi ka ng buhay ko at ng aking katauhan.

Kaligayahan ng puso'y hindi maikubli,

 Nang sabihin mo sa aking ika'y babalik muli!

 Bubuhayin ang alaalang iniisip ko palagi,

 At papalitan ang lungkot ng masasayang ngiti.

Lumiliwanag ang sandali kapag ikaw ay nariyan,

 Ika'y kasama sa tuwa, tudyuhan at iyakan,

 Ang lahat ng problema, pangamba't alinlangan,

 Iwinawaksi ng pangakong walang iwanan!

Alam kong hindi magtatagal at ika'y muling magpapaalam,

 Hahanapin ang sarili pati na rin ang kapalaran,

 Ika'y muling malalayo at ako'y iiwan,

 Sa pag-alis mo ay baunin mo ang salitang, "hanggang sa muli kaibigan!"

5-25-13

Mga Tula ng Isang ManhidWhere stories live. Discover now