Chapter 76

3.6K 53 3
                                    


Ang bilis ng tibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga nang marinig ko ang boses niya.

"R-Rozzean?"

Napatingin ako kay Thes. Nakatayo na ako ngayon at siya ay nakahawak sa akin.

"Si Rozzean 'yan?! totoo?" bulong niya.

Tumango ako sa kaniya pero ang buong atensyon ko ay nasa kabilang linya. Kay Rozzean na hindi ko inaasahan na tatawag. Pigil ko ang aking paghinga habang hinihintay ko ang boses niya sa kabilang linya. Hawak ko ng mahigpit ang kamay ni Thes dahil sa kaba.

He called me! tinawagan niya ako at hindi ako nananaginip! this is his voice! hindi rin ako maaaring magkamali! kilalang-kilala ko ang boses niya, kahit bulong ay malalaman ko na siya.

And he said Thaliana! hindi Tali, kung hindi Thaliana! pinatawad na niya ba ako? h-hindi na ba siya galit sa akin?

"R-Rozzean? hello--"

"Thaliana... are you... okay?"

Napasinghap ako nang muli kong marinig ang boses niya. Si Rozzean nga! Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Thes. Natutop ko ang aking bibig dahil hindi ako makapaniwala na siya ang kausap ko ngayon.

"I-I am okay, thank you. Thank you for saving me earlier, i-ikaw? n-nasaan ka? nakauwi ka na ba?"

"I am--"

Nang maputol ang sinasabi niya ay nagsalubong ang mga kilay ko. Napatingin ako sa cellphone ko dahil doon. Pinindot ko ang screen. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa aking nakita.

"Haaa!!!" sigaw ko at mabilis ko na hinanap sa drawer ang charger ko.

"W-Why?! why?!" sumunod sa akin si Thes. Nag-aalala ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Deadbatt ako! oh my gosh! bakit ngayon pa?!"

Natampal ni Thes ang kaniyang noo dahil sa sinabi ko. It was one of the unfortunate moment of my life! bakit naman ngayon pa nalowbat ang cellphone ko?! bakit kung kailan pa na kausap ko ulit si Rozzean?!

"Mabuhay ka... please... please naman!"

I long press my phone but it's not opening.

"Bakit ayaw?" naiiyak kong tanong at tumingin kay Thes. Lumapit siya sa akin at tumabi sa kama habang hawak ko ang aking cellphone. Sinubukan rin ni Thes na buhayin pero ayaw mabuhay ng cellphone ko.

"I think because sobrang drain kaya ayaw nang bumukas," sabi ni Thes, "hayaan mo muna na magkarga ang baterya para mamaya ay mabuhay na. Hay naku! kung kailan naman tumawag na ang bebe mo! napaka wrong timing naman!"

But I can't fckng wait! it's Rozzean who called me and that's the first time after I told him that I will stop chasing him. Na hindi na ako gagawa ng paraan para mapatawad niya. Napahinga ako ng malalim dahil sa pagpipigil ko kanina. Biglaan at hindi ko inaasahan. He's asking me if I am okay!

And he called me by my name! Thaliana!

His voice is calm!

Damn...

I miss Rozzean so much... I miss my baby.

"Thes..." nakatingin ako sa malayo nang tawagin ko ang pangalan ng kaibigan ko. I saw Thes looked at me. Iniharap niya ang kamay niya sa akin at ikinaway.

"Don't lose your sanity just because your bebe called you, my friend. Ayaw ko magkaroon ng baliw na kaibigan dahil nagmahal ng sobra sa isang lalakeng may jumbo hotdog."

Kinuha ko ang kamay niya na iwinawagayway niya sa aking harapan at pagkatapos ay hinawakan iyon ng mahigpit. Nagulat ata siya dahil sa ginawa ko dahil nanlaki ng bahagya ang mga mata niya. Tiningnan ko si Thes, kagat-kagat ko ang aking pang-ibabang labi. Namumuo ang luha sa aking mga mata habang nakatingin sa kaniya.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now