Chapter 88

3.1K 54 0
                                    

"Dad..."

I remembered what happened earlier.

"Hindi... hindi mo naman pinapahirapan si Rozzean sa kumpanya niya, hindi ba?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga ng aking ama. Gumalaw ang mga labi niya at pagkatapos ay napakamot sa batok.

"Did he talk to you?"

Hindi ako nagsalita. Muli kong narinig ang pagbuntong hininga niya.

"I know that you still love him, anak, nakikita ko sa mga mata mo ang pagmamahal kay Rozzean, nakikita ko rin ang sakit at iyon ang hindi ko kayang tiisin. Nag-iisa kang anak ko na babae, Tangi."

"Sinabi ba niya sa 'yo na kinausap ko siya na huwag kang lalapitan at kakausapin hangga't hindi ka tumatalikod sa engagement ninyo ni Luther? I am really sorry, anak."

Doon ako nagulat.

The time suddenly stopped when I heard what my father said.

"P-Po?"

"D-Daddy, a-ano po ang sinabi mo?"

Hindi na nakapagsalita ang aking ama dahil nag-signal na ang emcee na naroon na sila Tito Royce at Tita Cynthia. Luther called me, at kahit gusto ko pa na makausap ang aking ama dahil sa narinig ko na sinabi nito ay hindi ko na magawa pa.

Nakangiti si Luther na pumapalakpak habang nakatingin sa papasok niyang mga magulang. Tita Cynthia was crying while looking at the people singing Happy Birthday to her.

"Thaliana!"

Napaangat ang tingin ko nang tawagin ako ni Tita Cynthia. Nakangiti siya habang palapit sa akin, kasama niya si Taki na naglalakad.

"Mommy... mommy..." sabi nito at humawak sa aking kamay.

"Thank you, hija, Luther told me that you're part of this surprise. Talagang sobrang saya ko! I didn't expect this! also, the flowers are all so good! napakagaganda lalo na ang ayos!" sabi nito sa akin.

"Happy Birthday po, Tita Cynthia. I am happy that you like all of the flowers--"

"Mommy... up..."

Bumaba ang tingin ko kay Taki nang nagpapabuhat ito. Hindi na ako nagdalawang isip pa at binuhat na siya.

"He really likes you, Thaliana, hindi na talaga tinigilan ang pagtawag sa 'yo ng mommy."

Ngumiti ako ng tipid kay Tita Cynthia at ganoon rin kay Tito Royce habang nakatingin sila sa akin. Si Luther naman na nasa aking tabi ay napatingin sa entrance ng venue. Sinundan ko ang tinitingnan niya. Nakita ko si Rozzean at si Klari.

"Thaliana--"

"I am okay," sabi ko kaagad sa kaniya at ngumiti.

The two walks towards us. Nang makalapit ay humalik sa pisngi si Klari sa mga magulang nila Luther.

"Happy Birthday po, tita!" sabi niya.

Nang makita ako ni Rozzean ay siya na ang nag-alis ng kamay ni Klari na nakahawak sa braso niya. Dumistansya rin siya sa babae.

"I am happy to see you here also, Klari! nakita ko rin ang mga magulang mo, thank you for coming!" masayang sabi ni Tita Cynthia.

Imbis na sumagot ay napatingin pa sa akin si Klari habang hawak ko si Taki. Her upper lips rose.

This btch.

"Mapapalampas ko po ba itong kaarawan ninyo?"

Nagpaalam kami ni Luther, buhat-buhat ko pa rin si Taki. Some of the visitors were looking at us. Naririnig ko ang papuri nila, ang ilang hindi nakakakilala sa akin ay inakala na asawa ko si Luther. They even greeted us, some of the waiters called me Mrs. Valleje.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now