Chapter 75

3.4K 60 2
                                    

"Daddy..."

"Tangi, stop chasing that man. If he loves you he will come to you--"

Pinutol ko ang aking ama sa pagsasalita dahil na rin sa emosyon na nararamdaman ko ngayon.

"Dad, he did! h-he was there earlier. Sinabi ni Luther sa akin na hindi naman niya sinabi kay Rozzean na naroon ako sa bar. Saka he lives in Tagaytay, ilang oras ang byahe papunta dito. M-M-Maybe he followed me earlier? m-maybe he was there watching m-me?"

I sound so desperate that Rozzean was actually there earlier for me. Hindi ko na alam... asang-asa ako. Masakit pero umaasa talaga ako na nandoon siya kanina para sa akin. Kahit iyon na lang...

"Or it's just a coincidence that he was there and saw you. Paano kung may katagpo pala siyang iba kaya naroon siya kanina at nakita ka lang niya?"

"K-Katagpo?" tanong ko. Naputol ang pag-asa ko dahil sa sinabi ni Dad. Hindi iyon pumasok sa isipan ko. Sino naman ang kikitain ni Rozzean dito?

"Rozzean saw and saved you because that's the only thing he could do to clean his image for me. And, also because he has no face to meet me after what he did to you?"

Napatigil ako sa mga salitang sinabi ni Dad sa akin. If it's about him that's why Rozzean did that then... ang sakit. Masakit dahil akala ko ay para sa akin na.

Hinawakan ni Mommy ang kamay ng Daddy. Seryoso ang mukha ng aking ina nang gawin iyon.

"George, you are hurting your daughter. Stop it."

"The truth will really hurt her, Thatiana. I think Rozzean's love was not that deep, it was shallow. He doesn't love Tangi that much. Dahil sa kasalanan na nagawa ng anak natin ay nawala na ang pagmamahal na sinasabi niya. Kanina, maaaring ginawa lang iyon ni Rozzean para malinis ang imahe niya sa akin dahil isa ako sa malaking nag-iinvest sa kaniyang kumpanya--"

Napahikbi ako.

"D-Daddy... t-tama na po," nanginginig ang mga labi ko nang magsalita. I wiped my tears while looking at my father.

"I am still h-hoping for our relationship to get better. Wala a-akong ibang lalakeng nakikitang makakasama ko habambuhay kung hindi si Rozzean lang. M-Mahal na mahal ko si Rozzean. Maybe I assumed that he was there for me but who knows what's the real reason? kahit iyon na lang po Daddy na inisip ko na naroon siya para sa akin ay hayaan mo na lang po."

"K-Kung talagang hindi na niya ako mahal ay gagawa ako ng paraan para bumalik ang pagmamahal niya na 'yon. He's my happiness, he showed me the meaning of love... at k-kung hindi lang rin si Rozzean ay hindi na ako magmamahal pa."

"Tangi..." humigpit ang hawak ni Thes sa aking kamay dahil sa pag-iyak ko.

"I n-never fall for someone. Ito a-ang unang beses na umibig ako. Ngayon lang ako nagmahal pero hindi ko alam na ganito pala kahirap at kasakit. I made a mistake, I was the one who ruined Rozzean's trust. I was the one why all of this is happening. Kung bakit ka po nagalit sa kaniya dahil nakikita mo na nasasaktan ako."

"M-Maybe you are still mad at him that's why you are saying that to me but I am thankful for you, Dad."

"I appreciate e-everything that you are doing to protect me, D-Daddy. I..." napatigil ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib. Hindi ko kayang marinig pa sa bibig ng aking ama na wala na kaming pag-asa ni Rozzean na hindi na ako mahal nito.

"I-I know that you are just protecting me but... s-sobra pa rin po akong nasasaktan. T-The physical pain I got when I had an accident was nothing compared to the pain here..."

Inilapat ko ang aking kamay sa dibdib ko, "M-Masakit po, s-sobra."

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ng aking ama. Hindi na ito galit. His face softened while looking at me.

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon