Chapter 79

3.4K 63 6
                                    

Okupado ang isip ko ng tungkol sa tatlong piraso ng rosas na ibinigay ng batang babae kanina pati na ang nilalaman ng card na ibinigay nito sa akin. If it's Rozzean then bakit hindi siya ang nagbigay non sa akin?

Walang ibang tao sa isipan ko na gagawa non kung hindi siya lang.

He's the only man in my life.

Sino ang gagawa?

"Ma'am 12 na po, half day lang po kayo ngayong araw, hindi po ba?"

Napatingin ako kay Alma. Hindi ko namalayan ang oras. Ang bilis. Buwisit na tatlong rosas na iyan. Napatingin ako sa kinalalagyan, nasa gilid ko lang katabi ang card rin.

I miss you?

"Thank you for reminding me, Alma," baling ko sa kaniya at nginitian ko siya.

Inayos ko na ang mga gamit ko. Kinuha ko rin ang bouquet ng bulaklak na ako mismo ang nag-ayos upang ibigay sa ina ni Luther mamaya. Nang aalis na ako ay napatingin ako sa tatlong rosas at sa card. Kinuha ko ang mga iyon at tinungo ko ang aking sasakyan. I was too stunned to speak when I saw the letter. Kinilig pa nga si Alma at ang akala ay sa fiance ko na si Luther nanggaling.

Kung talagang kay Rozzean ito nanggaling ay bakit niya kailangan pang gumamit ng bata para ibigay sa akin? wala ba siyang mukha na harapin ako? why?

"Ang dami ko na naman tanong."

Pero hindi na ako dapat umasa. Mas masasaktan lang ako. Dito sa mga ganitong galaw niya ako ngayon mas nasasaktan ng sobra. Iyong naiisip ko na magiging okay kami tapos sa huli ay makikita ko na naman sila ni Klari na magkasama.

Nang marating ko ang bahay ko ay inilapag ko sa aking kama ang tatlong rosas pati na ang card. Nagpalit ako ng damit at tinungo ang silid ng aking mga anak. Nakita ko na natutulog silang lahat. Nang lumabas ako ay tinungo ko ang kusina at kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at uminom.

Inilabas ko ang aking cellphone at kaagad na tinawagan si Thes. It was a video call. Ilang ring lang ay sumagot na kaagad siya. Sa background ay masasabi ko na nasa opisina siya. Nagpaparami pa lalo ng pera.

Galit ito sa pera, eh kahit mayaman naman ang pamilya nila.

"Hey."

"Oh, ano? kukwentuhan mo na naman ako ng sakit sa puso tungkol kay Rozzean pero hindi ka naman makikinig sa payo ko na tigilan mo na siya at kalimutan mo na? Naku! mag-back read ka na lang sa mga messages ko. Sa mga payo ko!"

Nangiti ako sa sinabi ni Thes.

"Wala pa nga akong sinasabi."

"Kaya ako, ayoko pumasok sa pag-ibig na iyan, ayoko niyan. Nagiging tanga, baliw, praning ang isang tao. Tapos ayan harap-harapan mo nang nakikita na wala nang pag-asa ay ikaw asang-asa ka pa. Tangi naman! por pavor, rindete! (please, give up!)"

Alam ko na nasasaktan rin si Thes para sa akin. Kaya nga ito sinusubukan ko na.

"I am trying now, Thes. Kinausap ko na rin si Luther. Ititigil ko na ang nararamdaman ko kay Rozzean."

Naglakad ako pabalik sa aking kwarto. Nang sabihin ko naman iyon kay Luther ay talagang desidido ako. I don't want to lose myself because of the love I have for Rozzean. Matapang akong babae pero dahil sa pagmamahal na mayroon ako para sa kaniya ay biglang hindi ko na makilala ang sarili ko.

"Naku, I am trying ka diyan! kung hindi ka ba naman marupok rin! baka nga isang move lang ni Rozzean ay bumigay ka na ulit! please lang, Tangi, you deserve better! baka hindi para sa iyo 'yang si jumbo hotdog. Grabe, iba ang galit ko sa kaniya pati doon sa bruha na kasama niya."

Thes can really turn my sadness into happiness.

"Makakahanap ka pa ng mas malaking jumbo hotdog diyan!"

"Thes!" I can't help but to laugh.

"Ang ibig kong sabihin, makakahanap ka pa ng lalakeng may malaking puso na mamahalin ka ng lubusan. Hindi katulad ni Rozzean na binigyan ka nga ng sarap, pinaungol ka ng bongga pero sasaktan ka rin pala ng sobra. Naku, sarap sapakin!"

Hindi ko na natiis at napatawa na talaga ako sa sinabi ni Thes. Dire-diretso ang bibig niya habang sinasabi ang mga salitang iyon. Bigla kong nakalimutan ang pag-iisip kay Rozzean at ang sakit na nararamdaman ko kanina.

Pinalis ko ang luha sa gilid ng aking mga mata katatawa. Nang tingnan ko sa screen si Thes ay nakita ko ang itsura niya. Salubong ang mga kilay habang nakatingin sa akin. Nakausli rin ang kaniyang nguso.

"Tangi, nababaliw ka na ba?"

Mahina ang pagtatanong niya. Nakakatawa rin ang reaksyon ng mukha niya.

Umiling ako, "Hindi ako nababaliw, natatawa lang ako sa mga pinagsasasabi mo."

Kinuha ko ang tatlong rosas sa gilid ko at pati na ang card.

"A teenage girl went to my shop and bought three red roses. Imbis na kunin ay ibinigay sa akin. Binigyan rin ako nito ng card na may nakasulat na I miss you at sinabi na may nagpapabigay. Ipinapasabi rin daw ng nagbigay na huwag na akong malungkot--"

"Ay, Thaliana, ha..."

Napasandal si Thes sa kaniyang swivel chair. Itinaas niya ang hintuturo sa akin.

"Ako alam ko na iyang naisip mo. Si Rozzean 'no? naisip mo na si Rozzean ang nagbigay?"

Tumango ako. Wala rin naman saysay kung magsisinungaling ako sa kaniya dahil talagang naisip ko naman na si Rozzean.

"Walang ibang lalake sa buhay ko na maaaring magpadala sa akin ng bulaklak at sabihin na nami-miss niya ako. Hindi rin si Luther iyon, dahil nagkita kami kahapon at pinag-usapan namin ang nakita mo sa Batangas. Kaya naisip ko na si Rozzean talaga."

Tumango-tango si Thes.

"Naisip ko na siya nga, ipagpalagay natin na siya pero Tangi, huwag naman bibigay. Hindi ko na rin alam kung ano ang tumatakbo sa utak niyang bebe mo. Bakit may kasama siyang ibang babae sa Batangas at kumakain pa sila. Bakit rin hindi ka na niya tinawagan pagkatapos ng gabing iyon."

"Sinasabi ko lang sa' yo, Tangi. Please, know your worth. Hindi mo deserve yung nangyayari. Nakita ko iyong babae, pinagmasdan ko pa sila kahit nang matapos ang tawag ko sa 'yo kahapon. The woman was so close to him. Ang daldal ng bruha. Kairita."

Ngumiti lang ako ng tipid. Yun na yung kailangan kong makita para matauhan ako at ang hindi ko lang inaasahan talaga nang makatanggap ako kanina ng mga bulaklak. Lalo pa sa mensahe. Pero hindi na ako magiging tanga.

"Lahat ng sinabi mo sa akin ay tatandaan ko, Thes. You are the master, eh. Kahit hindi ka pa nai-in love."

"Of course! kaya makikinig ka sa akin. Alam mo naman, I always want what's the best for you. Hindi lang kita kaibigan, naging kapatid na kita. Not by blood but by heart. Mas malakas ang konekta kapag puso sa puso."

Pumikit siya at ngumiti tapos tumango-tango na parang nagmamalaki.

"Pero, sige nga kung talagang desidido ka at hindi ka na shunga, repeat after me."

Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi ni Thes.

"Ako si Thaliana ay hindi na magiging marupok kay Rozzean Cyron Valleje."

Inulit ko ang sinabi niya.

"Ako si Thaliana ay hindi na magiging marupok kay Rozzean Cyron Valleje."

"Kahit gaano pa kalaki ang hotdog niya--"

"Thes!" sigaw ko sa kaniya. Ngayon ay siya naman ang tumatawa.

Bakit ba ako sumunod?!

The Billionaire's PlaymateTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang