Chapter 92

2.8K 42 0
                                    


Tumalikod ako at pumunta sa aking silid. Nang makapasok ay ibinuhos ko ang galit na nararamdaman ko sa mga bagay na nasa loob.

"Ahhh!!"

Ibinalibag ko ang lahat ng makikita ko.

Mababaliw na ako kahahanap kay Tali tapos ngayon malalaman ko na kalokohan lang pala lahat? na wala talagang Tali Dela Cruz dahil siya ay si Thaliana Tangi Dela Vezca?

"Putngina!!"

"Mahal na mahal kita! m-mahal na mahal kita, eh, p-pero bakit?! bakit!!"

Pumasok sa isipan ko ang mukha ni Thaliana na umiiyak. While she was saying sorry. Ilang beses siyang humingi ng tawad.

Dahan-dahan akong napaupo sa kama. Napayuko ako at nasalo ko ang aking ulo. Nang masalat ko ang aking mukha ay saka ko lang nalaman na lumuluha na pala ako.

"I l-love you... I love y-you... b-but why? Why did you fool me?"

Nakatulala ako nang pumasok si manang sa aking silid. Umiiyak siya habang tahimik na nililinis ang mga ikinalat ko. Sa pagod at nararamdaman ay hindi ko na namalayan kung anong oras akong nakatulog. Kinabukasan nang magising ako ay ramdam ko ang sakit ng aking leeg at mga braso.

Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama. Napatingin ako sa oras. Gabi na.

Napataban ako sa aking noo. Umiikot rin ang paningin ko. Nang ipikit ko ang aking mga mata ay pumasok sa aking isip ang mukha ni Thaliana habanng umiiyak at humihingi ng tawad. Naikuyom ko ang aking mga kamay. I thought that was just a dream. But it really happened.

"Sir."

Nilingon ko si manang nang marinig ang boses niya. Nasa tapat siya ng pinto.

"K-Kumain na po muna kayo kahit na kaunti, para makainom na rin po kayo ng gamot."

"I am not hungry, manang."

"S-Sir, isang linggo na po mahigit--"

"I said I am not hungry, manang," sabi ko sa galit na boses.

Tumango si Manang Selya at lumabas ng aking silid. Ako naman ay tumingin ako sa labas ng bintana. Ilang minuto lang ay muli kong narinig ang pinto na bumukas. Napabuntong hininga ako dahil sinabi ko naman kay manang na ayokong kumain pero bumalik na naman siya.

"Manang, I said I don't want to eat. Ilang beses ko ba na sasabihin sa 'yo--"

Ngunit hindi si manang ang nasa harapan ng pinto.

Umahon ang galit sa dibdib ko nang makita kung sino iyon.

"What are you doing here?"

Kinuha ko ang aking saklay sa gilid at humarap kay Thaliana. Galit at sakit ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kaniya.

"Ano ba sa mga sinabi ko ang hindi mo maintindihan kagabi, ha? Miss. Dela Vezca?"

"R-Rozzean... sinabi sa akin ni manang n-na hindi ka pa raw kumakain simula kaninang umaga. N-Nagluto ako ng pagkain para sa 'yo--"

Naglakad ako at nang makalapit sa kaniya ay itinaob ko ang hawak niya.

"Wala kang pakialam kung hindi ako kumain, sino ka ba?"

Dire-diretso ang pagsasalita ko dahil sa galit na nararamdaman.

"N-Nagkamali ako... p-pero pinagsisisihan ko n-naman, Rozzean..."

"N-Nagpakilala akong ibang tao p-pero lahat naman ng ipinakita ko sa 'yo dito sa bahay mo a-ay totoo. P-Pati ang nararamdaman ko para sa 'yo, m-mahal kita. M-Mahal na mahal--"

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now