Chapter 73

3.5K 54 6
                                    

Dalawang oras rin na inaayusan ako sa salon ni Thes. Katulad ng sinabi niya ay vanilla blonde nga ang ikinulay sa aking buhok. Nakatingin lang ako sa salamin habang ginagawa binoblower. Patapos na at ako naman ay naghihintay na lang rin.

"Okay na po, Ma'am. Tapos na po!" sabi ng babae sa akin.

Tumayo ako at tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.

I didn't know that vanilla blonde hair color would suit me. Ito ang unang beses na nagpakulay ako ng buhok at dahil iyon sa kaibigan ko na linggo-linggo ay iba ang kulay ng buhok. Nilapitan ko si Thes, nakatuon ang mga mata niya sa kaniyang cellphone.

Nang mapansin na nasa harapan niya ako ay ibinaba niya ang hawak at tumayo.

"Wow! ganda, ah? tapos tara at makapaghanap ng damit!"

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Wala na rin akong nagawa nang hilahin ako ni Thes at dalhin sa shop niya. Hinayaan ko na siya sa mga gusto niyang gawin. Pumili siya ng red velvet backless fitted dress at ipinasuot sa akin.

She said that we are going to her Bar. Magpapakasaya daw kami at nakapagmensahe na siya kay Mommy at Daddy kaya wala na akong dapat na isipin. Pero dahil nga ayokong mag-alala pa ang mga magulang ko ay nagpadala na rin ako ng mensahe.

Nakatanggap rin ako ng mensahe kay Luther. He's asking me if I am busy. Nais niya kasing pag-usapan ang gaganapin na kaarawan ng kanilang ina sa Pangasinan. Ang tinatangi ang kinuha ni Luther na mag-aayos ng mga bulaklak sa venue.

Nang sinabi ko na wala ako sa bahay ay kaagad niyang tinanong kung nasaan ako. Sinabi ko na lang na kasama ko si Thes at pupunta kami sa TC Bar. Hindi na ako nakatanggap pa ng sagot pagka-reply ko non.

"Shet! ang sexy! hahanap tayo ng fafa mamaya sa bar ko para makalimutan mo na si Rozzean!"

"Thes, wala naman akong balak na kalimutan si Rozzean, wala rin akong balak maghanap ng iba dahil mahal na mahal ko pa rin siya," sabi ko sa kaniya habang hinihila niya ako palabas ng mall.

Pumasok kami muli sa sasakyan niya. Madilim na at hindi ko namalayan halos ang oras dahil sa daldal ni Thes.

"Isang linggo na at wala pa rin ginagawang hakbang, 'di ba?" tanong niya sa akin.

May kumurot sa aking puso nang marinig ang sinabi ni Thes.

"Thes..."

"Tangi, you are a beautiful woman, for goodness sake! kung dahil lang sa ginawa mo ay mawawala ang pagmamahal niya then he doesn't really love you. Mababaw ang pagmamahal na sinabi niya sa 'yo."

"Come on, cheer up, let's party! para rin mawala naman ang lungkot mo."

Tumango ako sa kaniya. Nagpatangay na lang talaga ako kay Thes. Nais ko rin na kahit papaano ay mawala sa isipan ko si Rozzean dahil sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari ay sobra akong nasasaktan.

"Ma'am Therese..."

"Hi! marami na bang tao?" tanong ni Thes sa mga bouncers.

"Opo, Ma'am, palagi naman po," nakangiting sagot ng isa.

"Okay, thank you! ingat kayo dito!"

Hinila ako ni Thes papasok sa bar. Malakas na tugtog ang sumalubong sa amin. May mga nagsasayawan sa dance floor. Hinila ako ni Thes at lumapit kami sa bartender.

"Owen, give us two shot glass of tequila, thank you!"

Mabuti na lang at bago kami pumunta dito ay nakakain na kami sa mall kanina. Mukhang hindi ako ang magpapakasaya.

"Ito po, Ma'am Therese..."

Thes gave me the tequila. Diniretso niya ng inom ang kaniya. Umiinom rin naman ako pero hindi madalas.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now