Chapter 89

3.5K 67 5
                                    

Nang bitiwan ko ang kamay niya ay tiningnan ko siya ng seryoso. I will never let her hurt me.

"Don't try to put a hand on me, Klari. I am a Dela Vezca, no one hurts me and gets away with it."

Tumawa siya, "At sa tingin mo natatakot ako sa 'yo? I am a Barios. Kung mayaman ang pamilya ng mga Dela Vezca ay mas mayaman ang pamilya namin--"

I immediately took a cheque inside my bag that made her stop from talking.

"I will buy your house in Tagaytay. The house that was in Rozzean's village. Name your price."

"I will buy it."

I wanted to laugh when I saw her reaction.

Gigil siyang nakatingin sa akin.

"Don't try me, Klari. I am distancing myself. Narinig at nakita mo kanina sa hotel kung paano ako lumayo kay Rozzean pero sino ba ang lumalapit sa akin? sino ba ang humahabol?"

Humakbang akong muli. Napaatras siya pero nagkabunggo ang mga paa niya kaya't natumba siya sa sahig.

"Oh my gosh!"

Deserve.

"Alam ko kung saan ang lugar ko ngayon sa buhay niya at ikaw..." sabi ko at bumaba ang tingin ko sa kaniya at ngumiti ako.

"Wala ka na ngang lugar sa buhay niya pumapapel ka pa na akala mo girlfriend ka."

"Damn you! hindi ka na niya babalikan because you made him look like a fool! hindi ka na niya mahal dahil sa panlolokong ginawa mo!"

Pumalakpak ako.

"I am aware of what I did. Pero, bakit ganoon, Klari? pinupuntahan ako ni Rozzean? Bakit sinabi niya sa akin kanina na mahal niya ako? sino ang paniniwalaan ko sa inyong dalawa?"

Nakita ko na nanggilid ang mga luha niya.

"Look who's pathetic now. Imbis na ako ang mainis at matakot pero bakit mukhang ikaw ang hindi mapakali at sobrang takot na takot?"

"Pinapatawa mo ako."

Pagkasabi ko non ay hinagis ko sa harapan niya ang cheque at tinalikuran siya. Before I left the pool area I heard Klari shouted.

That btch. Anong akala niya sa akin? hindi marunong lumaban?

Nilapitan ko ang mga magulang ko at nagpaalam na sa kanila, paalis na rin sila. Gustuhin ko man na makausap pa si Dad ay hindi ko na itinuloy dahil sa pagod rin na nararamdaman ng katawan ko. Nagpaalam na rin ako sa mag-asawang Valleje.

Sa silid na ako ni Thes tumuloy. Nag-usap kami at ikinwento ko sa kaniya na nagkasagutan kami ni Klari sa may pool area. Tuwang-tuwa siya nang malaman ang mga sinabi ko. Sinabi pa niya na kung nandoon daw siya ay hindi lang iyon ang matitikman ng babae.

But, honestly, I pity Klari. She looks so pathetic. Akala ko noon ay mabait, may itinatago pa lang hindi magandang pag-uugali.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. I went to the venue and saw my employees. Tapos na sila sa pagliligpit ng mga gamit. Sinabi ko na maaaring 3-5 days akong mawala dahil magbabakasyon ang family namin. Ibinilin ko muna kina Alma ang main branch ng Tinatangi.

Maaga rin umalis si Thes ng Pampanga. Nang bumalik ako sa silid ko ay nakarinig ako ng mga katok. Binuksan ko iyon at nakita ko si Luther. Nakaligo na siya at nakabihis na.

"Ang porma, ah?" sabi ko.

Kinuha niya ang aking gamit at lumabas na kami.

"Ilang araw nga? kaunti lang ang mga damit na dala ko, bakit biglaan kasi?" tanong ko sa kaniya.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now