Chapter 95

3.1K 52 0
                                    

"H-Hello, Mr. Dela Vezca?"

"Rozzean. I heard what happened in the bar. Nagkausap kami ng anak ko."

Sht.

"I-I am sorry if I lose my--"

"Thank you for saving my daughter."

Napahinto ako sa pagsasalita dahil sa kaniyang sinabi sa akin. Sa totoo lang ay ilang beses ko nang nais na lapitan ang anak niya, gustong-gusto ko nang yakapin si Thaliana, kausapin at sabihin sa kaniya na hindi na ako galit. Nais kong humingi ng tawad sa mga nasabi ko pero hindi ko magawa dahil nais kong tumupad sa usapan.

"Nandito na siya sa bahay and she's safe. Thank you, Rozzean."

"That's the only thing I can do for her, Mr. Dela Vezca. P-Pero hindi ko siya nilapitan o kinausap. When I heard her call my name I went out of the bar immediately. Tutuparin ko pa rin po ang pinag-usapan natin."

Hanggang ngayon ay wala pa ring usapang na nagaganap tungkol sa engagement ni Luther at Thaliana. Kahit isa sa kanila ay walang tumatalikod. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako makakapaghintay.

"George, si Rozzean ba iyan?"

I heard another voice.

"Pakisabi ay nailagay ko na sa silid ni Tangi ang mga chocolates!"

Napangiti ako. I bought the chocolates early in the morning, hindi pa man umaalis sila Thaliana at ang kaibigan niya sa bahay. Iaabot ko sana sa guard ngunit nakita ako ni Mrs. Dela Vezca. Sinabi niya sa akin na siya na ang bahala.

Humingi ako ng tawad ngunit sinabi niya sa akin na parehas lamang kaming nagkamali ng kaniyang anak. She said that soon, things will get better.

Umaasa rin ako...

"My wife really likes you and she wants things to get better but you need to wait, Rozzean. May pinag-usapan tayo."

I know... this is the consequences of my action at naiintindihan ko ang galit niya bilang ama.

Nang matapos ang tawag ay huminga ako ng malalim. Naglakad ako pabalik-balik habang nakatingin pa rin sa numero ni Thaliana.

"I just want to hear her voice... iyon lang."

Pinindot ko ang call button. Hindi matagal na nag-ring iyon. Nang sumagot siya ay sandali akong hindi nakahinga.

"Hello?"

Baby...

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang marinig ko ang boses niya.

"Hello? sino ito?"

I miss you so much... miss na miss na kita.

"Thaliana..."

Pagkabanggit ko ng pangalan niya ay wala na akong narinig sa kabilang linya. Akala ko ay patay na ang tawag kaya titingnan ko sana ang screen ng cellphone ko pero narinig ko na tinawag niya ang pangalan ko.

"R-Rozzean?"

Alam kong paglabag ito sa napag-usapan pero hindi ko na talaga matiis. Kahit sandali lang, kahit sandali na marinig ko ang boses niya. Nais ko lang malaman na okay siya pagkatapos ng nangyari kanina.

"R-Rozzean? hello--"

"Thaliana... are you... okay?"

I was so worried. Sobra ang pag-aalala ko.

"I-I am okay, thank you. Thank you for saving me earlier, i-ikaw? n-nasaan ka? nakauwi ka na ba?"

Napangiti ako nang marinig ang sunod-sunod na pagtatanong niya, nahimigan ko rin ang pag-aalala sa boses niya. I know my baby will not lose her love that fast. Iyon ang panghahawakan ko.

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon