Chapter 35

5.1K 80 0
                                    



"S-Sir--"

Nagulat ako nang hilahin ni Rozzean ang aking kamay at ilagay niya ako sa kaniyang likuran. Nakita kong tumingin si Luther, bumaba ang kaniyang mga mata sa kamay ko na hawak ng kaniyang kapatid.

"You can wait inside my house, Luther."

Malamig ang boses niya nang sabihin iyon sa kaharap. Ako naman ay hindi maalis ang kaba sa aking dibdib kahit na sinabi ni Luther kanina na hindi niya sasabihin kay Rozzean ang totoo. Sa sinabi niya kanina bago kami malapitan ni Rozzean ay narinig ko na mag-uusap kaming muli.

Ibig sabihin ay hindi ako maaaring magpakampante.

"Ang bilis mo naman makabalik, Cyron. Nasa sampung minuto pa lang ang nakalipas nang mag-mensahe ako na narito sa bahay mo. Ano ang nangyari sa lakad mo?" tanong ni Luther.

Napatingin ako kay Rozzean, oo nga pala! umalis siya kasama si Klari. Sinabi rin niya na hindi siya sa bahay maghahapunan, kaya't ano ang ginagawa niya ngayon dito?

Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na hawak pa rin ang aking braso. Napangiwi ako, ilang beses na rin na napupunta ang tingin ni Luther doon kaya ang ginawa ko ay kinuha ko iyon kay Rozzean.

Napalingon siya sa akin.

"It's not important. Let's go inside my house."

Tumango si Luther at akala ko ay maglalakad na at papasok sa bahay pero bumalik siya sa lamesa at kinuha ang kape na itinimpla ko para sa kaniya.

"She made this for me. Mabuti at nakakita ka na ng matinong maid ngayon, Cyron."

Nakita ko na sinamaan ni Rozzean ng tingin ang kaniyang kapatid. Ano ba itong nararamdaman ko sa kanilang dalawa? parang mayroon silang hindi magandang relasyon.

"You don't drink coffee, Luther."

Napaawang ang mga labi ko sa aking narinig.

This man! mukhang ginawa niya lang talaga iyon para makaalis sa bahay at makumpronta ako sa totoong katauhan ko. He knows that there's no CCTV in the gazebo.

Nang tingnan ko si Luther ay nakangiti siya sa akin, humigop siya sa kape at pagkatapos ay nauna nang maglakad.

Pero hindi pa man nakakalayo ay muling nagsalita.

"Now, I do."

What is this man doing? kahit na sinabi niya kanina na hindi niya sasabihin ang totoo kay Rozzean ay iba pa rin ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay mayroon siyang binabalak na hindi maganda.

"Bakit hindi mo ako tinawagan agad na may dumating na bisita?"

Nilingon ko si Rozzean nang magsalita siya. Salubong ang makakapal niyang kilay at nakahawak siya sa kaniyang sintido na parang may ginawa akong hindi maganda. Aba bakit parang kasalanan ko? ni hindi ko nga naisip na tawagan siya dahil mukhang masaya siyang umalis kasama si Klari.

"Sir, nasa date po kasi kayo kanina. Nakakahiya naman po kung maiistorbo ko kayo sa date ninyo ni Ma'am Klari."

Sapakin kita, eh.

"It was not a date, Tali."

It was not a date.

Ano 'yon? lumabas lang sila as a friend? kakain sila as a friend? alam niyang may gusto sa kaniya si Klari, tapos may pahawak-hawak pa sa baywang.

"Sir, hindi po ako ipinanganak kahapon para hindi malaman na date iyon. Huwag ninyo na po ikaila. Saka ano naman ang masama? maganda si Ma'am Klari, sexy, matalino, may sariling negosyon saka sabi ni manang maraming nagkakagusto doon pero ikaw ang hinihintay kasi may gusto sa 'yo. Naku, huwag nga ako, Sir Rozzean--"

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now