Chapter 34

4.6K 95 0
                                    



Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkabigla. He's Rozzean's brother and he knows me.

Paano ako nakilala ng taong ito?

Pero, hindi. I should hide my identity. Hindi ngayon kung kailan nalaman ko na may nararamdaman sa akin si Rozzean. He would hate me if his brother tells him the truth. Hindi matutuloy ang pagkikita namin sakaling makabalik ako. Hindi ako magkakaroon ng pagkakataon na masabi ang dahilan ko.

Iyon ang ayoko mangyari.

Kailangan ko lang ng oras... iyon lang.

"Sir, ano po ang sinasabi ninyo?" tanong ko habang nakangiti.

Kaya pala ganoon ang sinabi niya kanina sa akin. He knows that I am not just a simple person.

"Oh? Why are you denying it? tayo lang ang nandito. Kaya nga sa gazebo ako nagpadala ng kape para makausap kita."

Sht. Ibig sabihin ay kanina pa lang sa kusina napansin na niya ako. Nakilala niya ako. Pero paano? I was not in the spotlight when my father and brothers celebrates their success in their businesses.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Nakangiti siya, pero iba ang dating sa akin ng ngiting iyon.

"So? what are your intentions? you entered my brother's house as a maid. Sabihin mo sa akin Miss Dela Vezca, are you playing with him?"

Nang humakbang siyang muli ay napaatras ako. I can't find words to say. I was cornered.

Mukhang sigurado siya, pero kailangan kong ikaila ang mga sinasabi niya.

"Sir, mukhang nagkakamali po kayo. Hindi ko po kilala ang--"

Napatigil ako nang kuhanin niya sa kaniyang bulsa ang cellphone niya at ipinakita ang screen sa akin.

Damn.

"I am not dumb."

My lips slightly parted. Nakagat ko ang loob ng aking pisngi. Hindi ko pa rin ipinahalata ang gulat. Nang muli siyang humakbang palapit ay aatras na sana ako pero hinawakan niya ako sa aking braso.

"Hindi ba at ikaw ito?"

He was showing me my photo. Mukhang kanina niya pa iyon tinitingnan dahil pagbukas niya ng kaniyang cellphone ay iyon kaagad ang bumungad.

"Sir, bitawan mo ako," masama ang tingin ang ibinigay ko sa kaniya.

"I will let go of you if you will tell me your reasons. Isa pa, bakit mo pa ikinakaila?"

Ibinalik niya ang cellphone sa kaniyang bulsa at nagulat ako nang hapitin niya ako sa aking baywang.

"What the hell?!" sigaw ko sa kaniya at sinubukan siyang itulak pero mahigpit ang kapit niya sa baywang ko.

"What a childish act, Miss. Dela Vezca."

Nagulat ako nang itaas niya ang aking bangs at ilapit ang mukha niya sa akin.

"You can fool my brother but you can't fool me."

Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa takot.

Natatakot ako na baka sabihin niya kay Rozzean ang totoo. I can't even imagine what would happen next. Ayokong magalit sa akin si Rozzean. Not now...

"The disguise you did was not that hard for me to notice you, Miss. Dela Vezca."

Napayuko ako. Mukhang wala nang dahilan para ikaila ko pa sa lalakeng nasa harapan ko ang totoo.

"Let me go."

Hindi siya kumilos. Nang umangat ang tingin ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin ay ngumiti siya sa akin. He smirked at me.

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon