Chapter 20

5K 92 1
                                    




Napalunok akong bigla. Sa sobrang enjoy ko sa ginagawa kong pag-aayos ng mga bulaklak ay nakalimutan ko na baka may alam itong si Rozzean sa iba't-ibang flower arrangements.

      "That's a tussie-mussie. Suitable for my room. I like it."

      Kunwari ay hindi ko naintindihan ang sinabi niya. But he's right, the other one that I did is a tussie-mussie.

      But, did he say that he likes it?

      "H-Ha? ano po iyon, sir?" tanong ko.

      Tumayo siya at pagkatapos ay kinuha iyong tussie-mussie. Ito na naman ang tibok ng puso ko. Hindi na naman normal.

      "Dalhin mo ang isa sa gazebo at ang isa ay sa sala. Iaakyat ko lang ito sa kwarto ko," sabi ni Rozzean.

      Nakatingin ako sa likod niya habang paalis siya. I didn't expect that he knew different kinds of flower arrangement! Hindi lang siya basta mahilig sa mga bulaklak may alam rin siya kung ano ang tawag sa ayos ng mga ito.

      "In fairness, ha?"

      Napapangiti ako at hindi ko talaga mapigilan.

      "He said he likes it..."

      Naglakad ako papunta sa gazebo nang nakangiti. Hindi ko na maalis ang ngiti ko hanggang sa matanaw ko si manang.

      "Oh, tapos na?" tanong sa akin ni Manang.

      "Opo, umakyat lang si sir kaagad para ilagay iyong isang vase sa kwarto niya," sagot ko at ibinaba sa gitna ng lamesa ang isang vase ng mga bulaklak.

      "Narito na po ang lahat ng mga pagkain, manang?"

      "Oo, 'nak, nailagay ko na rin ang mga pinggan, at ang inumin, wala nang kailangan balikan," sambit niya sa akin.

      Maayos na ngang nakalagay ang mga pagkain sa lamesa. Kung ganoon ay iyong bisita na lang ni Rozzean ang kulang. Sino kaya iyong bisita niya? babae ba? nagpaayos pa siya ng bulaklak at pinalagay dito.

      "Manang, ipasok ko lang po itong dalawang bulaklak sa loob," paalam ko kay manang.

      "Ay, ako na, dumito ka na lang at hintayin mo si sir, pupunta rin kasi ako sa gate para sabihan ang mga guard sa paparating na bisita."

      Kinuha sa akin ni manang iyong mga bulaklak.

      "Sige po, manang."

      Naiwan akong mag-isa doon habang nakatingin sa mga bulaklak na inayos ko. Nang makita ko si Rozzean na kinuha iyong ginawa ko kanina at sinabi niya na dadalhin niya sa kwarto niya ay nakaramdam ako ng kakaiba.

      Saka, sinabi niya pa na nagustuhan niya iyon. Ilang beses na akong nakarinig ng compliment sa mga taong nabigyan ko ngunit iba ang dating sa akin ng isang ito.

      "Jusko, Tangi. Your hearbeat is not normal again."

      Hinawakan ko ang dibdib ko at huminga ako ng malalim. Hindi talaga normal ang tibok ng puso ko. Hindi na ako natutuwa. Isang linggo pa lang ako dito, nawawala na sa isip ko ang tunay na dahilan kung bakit ko pinasok ito.

      Haay, mukhang mapapaaga nga ako ng uwi. Sa mga salita ni manang, sa nakikita ko rin kay Rozzean ay mukhang wala nga siyang baho na itinatago na maaari kong magamit para hindi matuloy ang kasal namin.

      "Miss maid?"

      Napalingon ako sa tumawag sa akin.

      "Yes, sir--"

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon