Chapter 67

3K 54 0
                                    

Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang patuloy sa pagdaloy ang mga luha sa aking mga mata. Grabe naman ang sakit. Masakit na noon na nakikita ko lang si Klari sa bahay niya, tapos ngayon ay magkasama pa sila?

He let her accompany him. Hinayaan niya na alagaan siya.

"H-Hindi ko na kaya, s-sabihin nang mahina a-ako pero h-hindi ko kaya iyong sakit. Hindi ko kaya na m-makita silang magkasama. K-Kung si Klari ang makakatulong s-sa kaniya ay h-hindi ko na ipagpipilitan pa ang sarili ko."

He was with Klari, she's taking care of him now. At ako? sa tuwing pupunta ako sa bahay niya ay ipagtatabuyan niya ako, s-sasabihan niya ng hindi magagandang salita.

"M-May puso rin naman ako. Nasasaktan lalo pa at sobrang mahal ko siya. Hindi porke n-nagkamali ako ay masama na akong tao. Hindi ba kapata-patawad iyong ginawa ko? A-Ang hirap-hirap naman. Ang sakit... s-sobrang sakit."

Nanlalabo ang aking mga mata dahil sa luha. Nang mag-ring ang cellphone ko ay napatingin ako doon.

Ngunit nang aabutin ko na ay bigla akong nakarinig ng malakas na busina. Napatingin ako sa daan at kaagad kong nakita na out of lane na ako at may makakabangga akong sasakyan.

"S-sht."

Mabilis kong iniliko ang manibela at tumama ang sasakyan ko sa puno sa gilid ng daan. Dahil sa pagkakasalpok ng sasakyan ko sa puno ay tumama ang ulo ko sa gilid ng salamin ng aking sasakyan.

Ininda ko ang aking ulo na tumama sa gilid. Nahilo ako dahil sa lakas non.

"Ang t-tanga-tanga mo talaga, Thaliana."

Napaiyak akong lalo dahil sa nangyari sa akin. Nang maramdaman ko na may tumulo sa gilid ng ulo ko ay nakapa ko iyon. Nang tingnan ko ay natakot ako nang makitang dugo iyon.

"Mamamatay na ba ako?"

Narinig kong muli na nag-ring ang cellphone ko. Nang kuhanin ko iyon ay nakita kong tumatawag si Luther. Kaagad kong sinagot iyon dahil na rin sa sitwasyon ko.

"L-Luther..."

"Thaliana? kanina pa ako tumatawag. Your Dad called me that you went to Cyron's house. I am on my way. Nasa Tagaytay na ako. I warned you last night. Hindi na mabuti ang naging ganap kagabi, sinabi ko na sa 'yo--"

"Are you crying?"

Bago ako makasagot ay napatingin ako sa pinto ng aking sasakyan nang marinig ko na may kumatok doon.

"I-I g-got into an accident, Luther..."

"What?! saan? nasa Tagaytay ka pa ba? saan ang location mo--sht. I saw your car already. Are you okay?"

Naipikit ko ng mariin ang aking mga mata nang muli akong katukin ng lalake sa labas.

"I-I am okay, o-okay lang ako."

Ilang segundo pa ay nakarinig ako ng sunod-sunod na katok nang tingnan ko ay nakita kong si Luther iyon. Kaagad kong binuksan ang pinto ng kotse ko at lumabas. Sinalubong ako kaagad ni Luther. He looks so worried.

"You are fckng bleeding Thaliana and you told me that you are okay?!"

"W-Wala naman akong ibang nararamdaman, Luther... o-okay lang ako."

"Ma'am, mas mabuti po ata na pumunta na kayo sa ospital, baka po kung ano ang mangyari sa inyo," sabi ng lalake. Siya iyong kumatok sa pinto ng sasakyan ko kanina to check on me.

"S-Salamat po, kuya, p-pasensiya na rin po, wala po bang ibang nadamay?" tanong ko at inilibot ko ang aking mga mata sa buong lugar. Kaunti lang naman ang mga nagdadaan, naiiwas ko ang sasakyan ko kaagad kanina at mukhang walang nadamay.

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon