Chapter 51

3.4K 55 0
                                    







Bago ako umalis ay sinigurado ko na wala na ang mga mensahe ni Luther at ni Maki sa cellphone na ginamit ko. Pati ang sa dialled calls pati na rin sa received calls ay binura ko. Ni-reset ko ang cellphone para masigurado na talagang walang mababasa pagkatapos ay kinuha ko ang sim card.

Iniwan ko ang cellphone sa ibabaw ng kama bago ako umalis kanina. Tiyak na walang mababasa si Rozzean na mga usapan namin ni Luther. Hindi rin makakapagmensahe pa si Luther at makakatawag dahil wala na rin ang sim doon.

"Kamusta ang daddy, Maki?" tanong ko. Tinapon ko ang sim card sa labas ng bintana.

Sobrang pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon nang malaman kay Maki ang nangyari sa Dad. Ito ang unang beses na inatake siya pagkatapos ng limang taon. Tandang-tanda ko iyon dahil ako mismo ang nakakita sa kaniya na nakahandusay siya sa sahig.

It was a traumatizing experience for me. Nakakatakot kaya't hindi mawala sa akin ang pag-iisip.

"Mabuti na, naiuwi na siya sa bahay ninyo kaagad at doon na lang titingnan ng doktor. Ayaw rin manatili ni Tito George sa ospital kaya't pumayag na sila Grand."

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang sinabi ni Maki. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa Daddy. Ako talaga ang pinasimulan ng lahat ng ito. Kahit ang mga kapatid ko ay kumilos na sa pag-aakala na na-kidnap ako.

"Thank you for keeping your words, Maki. Sobrang na-appreciate ko."

Malaki ang utang ko sa kaniya dahil sa pagtago niya ng sikreto ko. Siguro kung loko lang talaga itong pinsan ko ay isusumbong na ako nito kay Rozzean o kaya sa mga magulang ko. Hindi rin naman ako naniwala na natakot siya sa akin kaya't hindi niya sinabi kay Rozzean ang totoo.

"I owe you."

Tumingin siya sandali sa akin.

"Kilala mo ako, may isa akong salita, pero mali talaga iyong ginawa mo, Thaliana. Nais ko man sabihin ang totoo sa mga magulang mo lalo sa mga kuya mo ay pinigilan ko lang ang sarili ko dahil alam ko naman na okay ka. Ang ginawa ko na lang ay pinuntahan ka upang ipaalam sa iyo ang nangyari."

Tumingin ako sa labas ng bintana.

"Pero, paano mo sinabi kay Rozz na aalis ka na? naisip ko nga na siguradong hindi iyon papayag tapos ganoong oras ka pa lumabas ng bahay."

Hindi ko nilingon si Maki. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang iniikot ko sa aking daliri ang singsing na ibinigay ni Rozzean sa akin. How? una pa lang ay wala akong balak na magtapat sa kaniya habang naroon sa bahay niya.

Alam kong mali iyon, na dapat ay bago ako umalis sinabi ko muna sa kaniya ang totoo pero nais kong makaharap siya sa oras na itinakda ng Daddy na magkita kami. I wanted to explain to him everything.

Na ako si Tali ang namasukan sa kaniyang bahay, na ginawa ko lang iyon dahil ayoko talagang magpakasal ngunit nagbago ang lahat nang makilala ko siya. I don't know if he would forgive me, but I already take it to myself, if Rozzean would hate me I will do everything to win his trust again.

Alam ko naman na hindi basta mawawala ang pagmamahal niya sa akin, dahil ako rin naman si Tali.

Ako pa rin iyon, iyon na lang ang pinanghahawakan ko.

"Thaliana, how did you come up with this idea? you are old enough to know what's right and what's wrong. At paano ka nga nagpaalam kay Rozzean? the man was so in love with you."

"Hindi ako nagpaalam. Tumakas ako. Huwag mo na akong sermunan. Araw-araw sa bahay ni Rozzean nang malaman ko na gusto ko siya ay nagsisisi ako sa pagpapanggap bilang isang maid. Everyday, my conscience was eating me for fooling the man I love. Nahihirapan rin ako sa ginawa ko, Maki. Hindi ko alam na mauuwi sa pagmamahal ang kagustuhan ko na makaalam ng hindi magagandang bagay tungkol sa kaniya."

Love comes when you least expect it. Dalawampu at siyam na taong gulang na ako at talagang idineklara ko na noon na wala na akong balak pa na mag-asawa. I just wanted to take care of my pets and run my flowershops.

But this love... is really unexpected.

Bumaba ang tingin ko sa singsing na nakasuot sa akin. Gusto ko na kaagad bumalik, nami-miss ko na kaagad siya.

Ganito pala ang pakiramdam ng nagmamahal.

Nang sabihin ni Rozzean sa akin na palagi akong hinahanap ng mga mata niya napagtanto ko na ganito pala ang pakiramdam non.

Gusto ko rin na palagi siyang nakikita. Hinahanap-hanap rin siya ng mga mata ko.

"Ewan ko ba kasi sa iyo, Thaliana. Nagulat nga ako nang makita kita doon. Be thankful that Rozzean doesn't have any idea about you as Thaliana Tangi Dela Vezca. Pero, paano kung nakilala ka niya habang naroon ka sa bahay niya? I know my friend, he's so honest with his feelings, dear cousin, if he's mad? he's mad."

"Kaya noong napansin ko at nalaman na nagugustuhan ka niya binigyan na nga kita ng babala ay talagang tumuloy at nagtagal ka pa. Now, I think Rozzean's feeling was so deep. His mood changed. Nang pumunta ako sa kumpanya niya nang nakaraan ay nakangiti siyang palagi na akala mong tanga."

Mabilis ko na nilingon si Maki at sinamaan siya ng tingin dahil sa sinabi niya kay Rozzean.

"At alam na alam ko ang dahilan non, Thaliana."

Hindi na ako nagsalita pa. Muli kong ibinalik ang tingin sa labas ng bintana.

Nang marating namin ang bahay ng aking mga magulang ay tinakbo ko ang gate. Alas dos trenta na ng madaling araw. Tiyak na nagpapahinga na ang mga ito.

"Let me call, Grand, I'm sure he's still awake. Sinabi niya sa akin na dito siya muna magpapahinga sa bahay ng mga magulang ninyo para mabantayan ang lagay ni Tito George."

"Yes, please, thank you, Maki."

Pero bago pa man makatawag si Maki ay may lumapit na sa malaking gate ng bahay ng mga magulang ko. Nakilala ko kaagad si Grand. Magkasalubong ang mga kilay nito nang lumapit at buksan ang gate.

"Maki? who are you with--what the fck, is that you, Tangi?"

Yumakap ako kay Grand nang makita siya. Hindi ko napigilan ang mga luha na kumawala sa aking mga mata. Kaya nagkakagulo sa aming pamilya ay dahil sa kalokohan ko at pati si Daddy ay nadamay pa.

"I'm sorry, kuya, I'm sorry kung pinag-alala ko kayong lahat."

Humiwalay sa akin si Grand at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Pinakatitigan niya ako at nakita kong nanggilid rin ang mga luha niya.

"Bunso! goodness, I thought something bad happened to you. Mabuti na lang at ligtas ka! Matutuwa nito si Dad at si Mommy."

"Wait, tatawagan ko sina Grecion at Griz para masabi sa kanila na narito ka na."

I really made them worried.

Ang bigat sa dibdib.

The Billionaire's PlaymateWhere stories live. Discover now