Chapter 60

3.4K 55 6
                                    



Luther wanted his family to be happy again. Pero nang dahil sa ginawa ko hindi lang si Rozzean at ang kanilang ama ang nagkaroon muli ng lamat ang relasyon, pati silang dalawa pang magkapatid.

"Inaasahan ko na rin ang galit ni Cyron sa akin, Thaliana. Sino ba ang sasaya kung malaman mo na ang kapatid mo na isa sa pinagkakatiwalaan mo ay tinulungan pa ang babaeng dapat pakakasalan mo na lokohin ka?"

"Cyron was hurt so bad, Thaliana. Katulad mo, tatanggapin ko rin ang galit niya sa akin--"

"P-Pero wala ka naman kasalanan, ako ang may kasalanan kung bakit nagalit sa 'yo si Rozzean. Unang beses nang malaman mo na ako si Thaliana ay sinabihan mo na ako kaagad pero ako itong matigas ang ulo. I-I'm sorry, pati ang relasyon ninyong pamilya ay nagulo ng dahil sa akin."

Umangat ang kamay ni Luther, ngumiti siya sa akin at hinimas ang ibabaw ng ulo ko.

"I decided to helped you, it was my own decision not because you told me. Sa tingin mo ba ay madali lang mapasunod ang isang katulad ko, Thaliana?"

"L-Luther..."

"I can handle his anger, Thaliana, don't mind about me. Ang sarili mo ang isipin mo ngayon kung paano mo makukuha muli ang ugali ni Cyron. You cannot tell your father to choose him again as your fiance if he's this mad, Thaliana. Hindi maaaring sa ikalawang pagkakataon, dahil naman sa galit ni Cyron sa 'yo dahil sa ginawa mong panloloko sa kaniya ay talikuran ka niya. Baka kung ano na ang magawa ni George Dela Vezca."

Dahan-dahan akong tumango sa sinabi ni Luther.

Tama siya. Pero kakausapin ko pa rin ang Daddy. Ipagtatapat ko sa kanilang lahat ang ginawa ko. That I was the one who made Rozzean backed out. Tiyak na magagalit sa akin ang Daddy pero kailangan kong harapin ang kapalit ng ginawa kong ito.

Marami silang nadamay.

"And... Thaliana, about your cousin that you mentioned. Maki, right? sinabi mo sa akin noon sa flower shop mo na ang pinsan mo ang tumulong sa 'yo para makauwi."

Umangat ang tingin ko kay Luther nang marinig ang sinabi niya.

"Why? yes, pinsan ko si Maki, he's the one who helped me that night. Actually, noong umaga siya pumunta sa bahay ni Rozzean para sabihin sa akin ang sitwasyon sa bahay na akala ng pamilya namin ay may nangyari nang masama sa akin."

Nakita ko na napailing si Luther ng ilang beses.

"I just heard that he was in the hospital. "

"W-What?!"

Si Maki?! what happened to him? ang huling mensahe na natanggap ko sa kaniya ay noong nagtatanong ako tungkol kay Rozzean. Hindi ko na nga siya nakausap simula noon. Anong nangyari kay Maki?

Nasagot ang aking tanong nang makarinig ako ng tawag mula kay Griz. Ang aking pangalawang kapatid.

"Hello?"

"Where are you? hindi ka pa nakakauwi. Tumawag ako sa guardhouse ng village mo, Tangi. Hindi pa nila nakikita na pumasok na ang sasakyan mo."

Iniwan ko iyong sasakyan ko sa restaurant kanina.

"Why, kuya? nasa Tagaytay ako. Kasama ko si Luther. Pabalik na kami."

"Luther? oh... Luther Valleje, your fiance. Tumawag lang ako para malaman kung nasaan ka. It's almost 11:00 pm, Tangi. Alam mo na may nagbabanta sa buhay ni kay Grand, hindi ba? maaaring madamay ang kahit na sino sa ating pamilya lalo ka na. Hindi kami mapapakali kung ganitong oras nasa labas ka pa."

Tumingin sa akin sandali si Luther. Huminto ang kaniyang sasakyan sa isang convenience store. Bumaba siya at pumasok sa loob.

"I'm fine, kuya, sumandali lang kami sa Tagaytay dahil may..."

Naalala ko si Rozzean. Huminga ako ng malalim at muling nagpatuloy sa pagsasalita.

"May kinausap lang na importanteng tao. Pabalik na rin ako. Luther will take me home."

"Okay. Tangi, keep safe. Also, narinig mo na ba ang nangyari kay Maki?"

That's what I want to know! naputol lang ang usapan namin ni Luther nang tumawag siya!

"W-What? what happened to Maki, kuya?"

"He was beaten, nakita na lang ni Tyra sa sariling bahay niya si Maki na walang malay at bugbog sarado. He was rushed to the hospital immediately. Nang magkamalay ang gago ay tinanong namin kung sino ang may gawa pero ang sinabi lang ni Maki ay kasalanan naman niya."

Isa sa mga pinsan namin si Tyra. Kapitbahay lang siya ni Maki. What the hell...

"Tyra slap him hard, hindi na inisip na may galos iyong tao. We all know that Maki is a womanizer, right? baka may nambugbog sa kaniya dahil sa isang babae. Baka may karelasyon ang babaeng inilabas niya."

Oh God... masama ang pakiramdam ko tungkol dito.

"I-I will visit him tomorrow, kuya."

"Okay, siguro ay kami rin, pero mukhang palabas namana siya ng hospital dahil dalawang araw na pala doon ang loko. Ayaw lang magpalabas dahil may nurse daw na natipuhan sabi ni Tyra. He will never change. Mananatili atang babaero hanggang sa mamatay ang loko."

D-Dalawang araw? sht.

Nang makapagpaalam na kami ni kuya sa isa't-isa ay siyang pagpasok ni Luther sa loob ng sasakyan. He was holding a paper bag. Iniabot niya sa akin iyon. Nang tingnan ko ay may bottled water na doon at chocolates.

"To make you feel better. Uminom ka rin ng maraming tubig. Kanina ka pa sa restaurant umiiyak."

He's kind... nakukusensiya talaga ako na nadamay siya sa ginawa ko.

But, wait, about Maki!

"W-What happened to Maki, my brother told me that he was beaten. Ayaw ipasabi ni Maki kung sino ang may gawa para maparusahan... pero may tao na sa isip ko, Luther. D-Don't tell me..."

Umismid si Luther at hinawakan ako sa aking pisngi.

"If your cousin went to Cyron's house my brother probably saw him on the CCTV."

Napasinghap ako. Nawala sa isip ko na maaaring puntahan ni Rozzean si Maki!

"And because you were missing Cyron will doubt the last person who went to his house before you disappeared. Si Maki ang huling pumunta sa bahay niya, 'di ba?"

"Siguradong sinabi rin ng mga guards ang tungkol doon. Maaaring naisip ni Cyron na si Maki ang dahilan kung bakit ka nawala kaya binugbog niya ang pinsan mo."

"O-Oh... God..." natutop ko ang aking bibig dahil sa narinig kong sinabi ni Luther.

"It's a good thing that your cousin didn't file a case, Thaliana. Malakas sana ang laban ni Maki kung kinasuhan niya si Cyron dahil ang kapatid ko pa ang pumunta sa bahay niya para lamang bugbugin siya."

Muling pinaandar ni Luther ang sasakyan niya at ako naman ay kinuha ko ang aking cellphone. Nanginginig ang aking mga kamay nang tinawagan ko si Maki. It was a video call so that I could see his face.

I can't wait to see him tomorrow so I am calling him now. Nag-aalala ako. Kasalanan ko kung bakit iyon nangyari sa kaniya!

"Kapag pumunta ka bukas at dinalaw si Maki, pakisabi sa kaniya na salamat at hindi niya kinasuhan si Cyron.

What Luther said sounded like he's not serious about it. I looked at my cellphone. Ilang ring lang ay sinagot na ng pinsan ko ang tawag. Nang makita ko siya ay natutop ko na naman ang aking bibig.

"Hey, Thaliana, I guess what happened to me reached you already. Sino ang nagsabi?" tanong nito at tumawa pa.

How could he still laugh?! He was really beaten to pulp!

The Billionaire's PlaymateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon